Robin Padilla, wish na ‘wag munang ma-in love ulit si Kylie Padilla

ADVERTISING

Robin Padilla, wish na ‘wag munang ma-in love ulit si Kylie Padilla

Robin-PadillaAYAW NANG pag-usapan pa ni Robin Padilla ang nangyaring relasyon ng anak na si Kylie Padilla kay Aljur Abrenica. Ayaw raw kasi niyang may masabi pa na hindi maganda, kaya hangga’t maaari ay pass daw muna siya sa mga press na gusto siyang hingan ng reaction sa break-up ng dalawa.

Okey naman daw si Kylie at wala raw siyang dapat ipag-alala dahil kinaya naman daw harapin ng kanyang anak ang sakit ng pagkasawi sa pag-ibig. Wish nga ni Robin kay Kylie, huwag daw muna sanang ma-in love muli ang anak at kung talagang magmamahal daw muli, dapat pag-aralan muna nito ang character ng lalaki para malaman ang tunay na intensyon sa kanya.

Samantala, nag-enjoy si Robin sa challenge na ipinagkatiwala sa kanya ng TV5 para sa role na isang naging lasenggong pulis sa “JasMine” na pinagbibidahan ni Jasmine Curtis-Smith na napapanood every Sunday at 5:00 pm.

Na-challenge daw siya sa role dahil matagal na rin raw siyang hindi umiinom. Kaya hirap na raw siyang gumanap na lasing. Not like daw before na hindi pa siya isang Muslim ay bale-wala lang umarte na isang lasing.

ADVERTISING

Bukod kay Jasmine, kaya pala napapayag si Robin mapasama sa JasMine ay para rin suportahan ang pamangkin na si Matthew Padilla, anak ng utol niyang si Rommel Padilla.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING