Robin Padilla, walang napapansing kakaiba kay Jodi Sta. Maria sa taping ng ‘Sana Dalawa Ang Puso’

ADVERTISING

Robin Padilla, walang napapansing kakaiba kay Jodi Sta. Maria sa taping ng ‘Sana Dalawa Ang Puso’

Robin Padilla, walang napapansing kakaiba kay Jodi Sta. Maria sa taping ng ‘Sana Dalawa Ang Puso’
Jodi Sta. Maria and Robin Padilla

AYON kay Robin Padilla, wala silang napapansing kakaiba sa ikinikilos ng co-star niyang si Jodi Sta. Maria sa taping nila ng morning series na Sana Dalawa Ang Puso.   

“Wala naman kaming nakitang ganun kay Jodi para kami mag-panic lahat. Siguro, ano na rin si Jodi. Hindi na rin siya bata. Alam na din niyang i-handle yung mga ganyan. Kasi pambata lang yung dinidibdib yung mga ganyan,” sambit ni Robin.

Ayon pa sa aktor,  iba’t iba raw talaga ang mga paraan ng paghihiwalay pero dapat matutunan ng sino man ang mag-move-on pagkatapos nito.

“Alam mo, ang buhay ng tao kanya-kannyang istorya yan. May taong naghihiwalay ng maganda. Hindi natin alam kung anong klaseng paghihiwalay nila, kung ano man yon.

ADVERTISING

“Basta ako, move on na lang. Kahit na sinong tao, hindi lang si Jodi. Ang pag-ibig, eh, ano yan, isang bagay na masarap dapat. Pag ang pag-ibig ay medyo malungkot na, kumain ka na lang ng tuna,” pabiro pa niyang pahayag.

Samantala, nag-i-enjoy naman daw si Robin sa paggawa ng teleserye.

“Enjoy ako kasi light lang yung genre niya tapos ang gagaling ng mga artistang katrabaho ko,” wika pa niya.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING