Robin Padilla, walang balak mag-renew ng kontrata sa Dos

ADVERTISING

Robin Padilla, walang balak mag-renew ng kontrata sa Dos

Robin-PadillaALMOST DONE na raw ang pagsasama sa pelikula ng mag-utol na Robin Padilla at BB Gandanghari (former Rustom Padilla).

Walang title ang movie pero kasama rin si Kylie Padilla sa pagsasama for the first time nina Robin at ng utol magmula ng magladlad as BB Gandanghari.

Inamin ni Robin na noong una ay hindi niya maunawaan at matanggap kung bakit kailangan pa raw ng utol niyang si Rustom na sabihin in public ang tunay na gender.

Ang anak na bunso ni Robin na si Ali kay Liezel Sycangco ang siyang nag-enlightened kay Binoe na dapat tanggapin at irespeto ang naging desisyon ng kapatid na siyang hinahanap din ni BB kay Robin.

ADVERTISING

Samantalang kung hindi kami nagkakamali ay nag-expire na ang kontrata ni Robin sa ABS-CBN at tila wala na raw balak mag-renew ng kontrata ang actor para muling maging Kapamilya.

Gusto raw ni Robin na pumirma ng kontrata sa network na willing at sisiguro na papayag sa project na gusto niyang gawin.

 

FIRST TIME naming nakaharap nang malapitan ang dating Protégé finalist na si Zandra Summer sa taping ng Pyra, Ang Babaeng Apoy sa Circle of Fun na matatagpuan sa loob ng Quezon City Memorial Circle.

Maging kami ay nagulat at hindi nabigla kapag napagkakamalan siyang si Megan Young. Kahit saang anggulo ng mukha ay kahawig talaga siya ni Megan.

Sasabihin mo na twin sister siya ng tinanghal na Miss World. Maging ang sister ni Megan na si Lauren Young ay sinasabi kay Zandra na she looks like her sister Megan kapag nagkikita sila sa Sunday All Stars sa GMA-7.

Sabi ni Zandra, noon pa raw nasa Cebu siya at hindi pa sumasali sa Protégé, marami nang nagsasabi kahawig siya ni Megan.

Robin-Padilla“Napapanood ko lang si Megan sa Cebu, marami na ang nagsasabi na para raw kaming magkapatid. Maging ang father ko binibiro ako na baka kapatid ko raw si Megan. Kunwari iniisip niya kung anak niya si Megan,” natatawang tsika ni Zandra.

Minsan nga raw nang kumain sila sa isang resto ay tinawag siyang Miss Megan ng mga staff doon.

“This was the time na hindi pa sumasali si Megan sa Miss World Philippines. Nasa resto ako with some friends. Noong paalis na kami, binati ako ng staff, ‘Thanks for coming Miss Megan.’ Nagulat ako kasi akala nila ako si Megan. Siyempre kinorek ko naman sila. Nakakahiya naman kasi,” say pa ng look-a-like talaga ni Megan na si Zandra.

Pero imbes na gamitin ni Zandra ang pagkakahawig nila ni Megan para lalong sumikat, hindi niya magawa dahil iginagalang niya at hinahangaan ang isang Filipina na nagbigay karangalan sa ating bansa na ngayon lang nakamit ng Pilipinas, ang Miss World.

Samantalang umuwi noong Undas si Zandra sa Cebu para na rin tingnan ang naging damage ng kanilang bahay na tinamaan ng malakas ng lindol. Mabuti na lang daw sa bakuran lang nagkaroon ng sira at walang nasira sa loob ng bahay.

Nag-worry lang siya sa kalagayan na kanilang mother na nag-iisa lang sa kanilang tahanan sa Cebu nang maganap ang malakas na lindol.

“Kasama ko kasi ang daddy ko at brother ko rito sa Quezon City. Ang brother ko nagda-drive for me at si daddy ang nagbabantay sa amin. Pero dahil sa nangyari ay baka umuwi na si daddy sa Cebu para samahan si mommy. Kami na lang ng brother ko ang dito sa Quezon City,” pahayag ni Zandra.

Kapag nakita ninyong kulay blonde ang buhok ni Zandra, Sinadya raw niya para maiwasan mapagkamalan siyang si Megan Young. Si Zandra nga pala ang gumaganap na bestfriend ni Thea Tolentino sa Pyra na napapanood sa GMA-7.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING