Robin Padilla, type pa ring makahalikan si Kris Aquino!

SUPER EXCITED SI Robin Padilla sa bagong project na ibinigay sa kanya ng Kapamilya Network. This time, makakasama ng action Superstar sina Anne Curtis at Kris Aquino sa teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw. Siyempre, expected na ang maiinit na kissing scene ni Binoe with Anne and Kris. Ngayon pang annulled na ang kasal ni Kristeta sa ex-husband na si James Yap. Hindi kaya ma-insecure si Mariel sa dalawang leading ladies ni Robin? “Wala, nagkataon lang na ako’y pinagpala na makasama ‘yung hottest young actress at saka hottest actress-superstar. Siguro mabait ako kaya ako’y pinagpapala,” say ni Robin.

Pabirong sinabi ni Robin na gusto niyang may torrid kissing scene sila ni Kris. “Nagbibiruan lang kami ni Kris. Kasi, siyempre noon, kapag may pelikula kami, bawal maghalikan. Palagay ko, ngayon may mangyayari na rito,” natatawang sabi nito.

Masaya si Robin na magkakasama uli sila ni Kris sa bagong soap. “Lalo na ako, sa usaping gusto ko siyang makatrabaho ganitong klase, aktingan, professional. Gustung-gusto ko ito kasi, iba si Kris, iba si Anne. ‘Yung passion nila… kaya successful sila sa trabaho, kaya kong pantayan ‘yun.”

Tipong looking forward yata si Robin sa kissing scene nila ni Kris. “Ako, wala akong inaatrasan lalo na sa halikan pero kailangan kasama sa istorya ‘yan. Hindi naman basta gusto lang nating maghalikan, gagawin na natin.”

Siyempre, napag-usapan muli ang pagkakaroon ng anak nina Robin at Mariel. Wala talaga silang planong magka-baby sa taong ito. “Huwag muna, ako pa rin ang baby niya. Siya pa rin ang baby ko, kailangang alagaan niya ako. Kasi, kapag nagka-baby ‘yan, patay ako du’n. Huwag muna ‘tol, ang sarap-sarap pag-uwi mo, walang istorbo. Ang ibig kong sabihin, bagong kasal kayo, enjoy muna namin ‘yun.”

Kahit two years nang kasal sina Robin at Mariel para sa action star, parang bagong kasal pa rin ang pakiramdam niya. “Siyempre, araw-araw kaila-ngan bagong kasal ang pakiramdam mo.”

Napag-usapan ding kasama ni Binoe ang kanyang mga anak this holiday season. “Magkakasama kami. Si Liezel kasama si Queenie sa Pampanga, pero ‘yung ibang anak ko, magkakasama kami sa Cagayan De Oro. Du’n kami nag-Pasko. Para sa amin, ‘yun ang pinakamagandang mensahe ng Pasko, bigayan. Hindi naman gift-giving na naka-regalo pa o ano. Si Mariel nagpunta sa hospital, kami nagpunta kami sa mga bahay-bahay na naapektuhan ng bagyo. ‘Yun ang Pasko para sa amin,” pahayag niya.

Naging sentro rin ng usapan ang anak niyang si Ali na gustong mag-artista. “Hindi nawawala ‘yung pangarap niyang mag-artista. Pero kami bilang magulang, gusto naming makapagtapos muna siya ng pag-aaral. Kapag dumating ‘yung panahon na nakapagtapos na siya at gusto pa rin niyang mag-artista, hindi kami tututol,” aniya.

Binalita namin kay Robin na si Carmina Villaroel ay balik-Kapamilya na rin at host sa isang talk show. Excited ang TV host- actress na ma-interview ang ex-husband na si BB Gandanghari (Rustom Padilla) na kapatid ni Binoe. Anong comment niya tungkol dito? “Interesting ‘yan, wow! Dapat lang siguro, gumawa rin sila ng pelikula. Kung ganu’n ang plano nila, hindi lang interview. Gagawa ng pelikula si Rustom sa production ko. Mayroon silang dalawa ni Mariel, under negotiation. Nag-uusap sila araw-araw, hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila.”

Ikinuwento rin ni Robin na nagmo-model ngayon si BB sa New York at patuloy pa rin ang communication nila bilang magkapatid. “Ngayon nga nu’ng pinapauwi siya ni Mariel, ang sabi niya, ‘Hindi siya makakauwi ngayon kasi, Fashion Week sa New York. Nakita na nga namin ‘yung ibang litrato niya, shocking nga, pero modelo ang dating. Hindi ko pa naman nakita na naka-two-piece. Simple lang, nakadamit pa naman. Basta masaya siya, masaya na rin kami.”

Nabalitang nagdala raw ng one million cash si Mariel, how true? “Pambili niya ng kotse. Mayroon siyang bibilhing kotse,  ang ginawa niya, ‘yung pambili niya ng kotse pinamigay niya sa Cagayan. Napag-usapan lang kaya nasabi ko,” paliwanag ni Robin Padilla.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleVic Sotto at Dina Bonnevie, pangarap ng mga anak na sila pa rin sa bandang huli!
Next articleSa isyung naghihirap na at tumatalbog ang tseke Manager ng Sexbomb na si Joy Cancio, umalma!

No posts to display