Robin Padilla, tinanggap ang offer Singko kahit may kontrata pa sa Dos

ADVERTISING

Robin Padilla, tinanggap ang offer Singko kahit may kontrata pa sa Dos

Robin-PadillaBAGO PALA tinanggap ni Robin Padilla ang pagho-host ng Talentadong Pinoy kasama ang misis na si Mariel Rodriquez, inalam muna niya kung walang magiging problema sa dating host na si Ryan Agoncillo at sa napabalitang unang inalok sa posisyon na sina Willie Revillame at Ogie Alcasid.

Wala naman daw magiging adjustment na haharapin ang mag-asawang Robin at Mariel sa muling pagtatambal bilang mga host ng isang live show dahil nagkasama na sila noon sa show ng ABS-CBN kung saan unang na-in-love nga si Robin kay Mariel.

Pero teka, ‘di ba may existing contract ba si Robin Padilla sa Kapamilya Network? Hindi kaya magkaroon ng problema sa Dos ang pagtanggap niya ng show sa TV5? Ayon kay Robin, bukod-tanging sa Talentadong Pinoy lang daw siya naka-kontrata at hindi sa buong network. Nagpaalam naman daw siya nang maayos sa ABS-CBN.

Sa mga nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay wala pang bagong show sa Dos si Robin? Ang sagot ng sikat na action star, pinag-aaralan niya raw nang mabuti ang lahat ng offer dahil ayaw na raw niya ng mga pa-cute na character.

ADVERTISING

Gusto raw niyang project ay ‘yung angkop sa edad niya at hayaan na lang daw sa pamangkin niyang si Daniel Padilla ang mga pa-cute na character.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING