Robin Padilla, tinabla ni Rey Pamaran

ADVERTISING

Robin Padilla, tinabla ni Rey Pamaran

Robin-PadillaKAHIT NAKIUSAP si Robin Padilla kay Rey Pamaraan na patawarin na niya si Melissa Mendez at huwag nang idemanda, tinabla pa rin ng model-businessman ang pakiusap ng aktor.

ADVERTISING

Paliwanag ni Rey sa kanyang Instagram: “Sana maintindihan niyo po na ako ang binastos, minura, sinaktan nang physical, at siniraan ng pagkatao, at hindi siya. Binaliktad niya lahat para lumabas na siya ang biktima.”

Dagdag pa ni Pamaran: “Kelagan nya linisin pangalan ko na siniraan nya dahil sa pagsisinungaling nya sa mga salaysay nya. Hindi ko ginusto ang mag-demanda at lalo na mag-demand ng pera ngunit yun lng ang tanging paraan para mapilitan sya na sabihin yung buong katotohanan.

“Gusto ko sabihin nya on TV ang totoong nangyayari sa insidente at hindi puro kasinugnalingan lng para ma-protektahan lang niya sarili nya. Sana matakot sya sa pag gamit ng pangalan ng panginoon sa pagsisinungaling nya. Alam naman nya na nagsisinungaling sya. Naniniwala ako na kahit hindi nya sasabihin ang buong katotohanan, lalabas din yun, lalo na’t pag nagsalita na yung flight crew at mga pasahero na nakasaksi sa buong pangyayari.”

ADVERTISING

Pero may alternatibong idea si Rey para lumabas ang katotohan sa isyu: “Paano kung si Melissa na lang ang bibigyan ko ng 3M para sabihin ang katotohanan? Hindi ko kelangan ang 3M.”

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING