Robin Padilla, sobrang excited sa posibleng triplets nila ni Mariel Rodriguez

ADVERTISING

Robin Padilla, sobrang excited sa posibleng triplets nila ni Mariel Rodriguez

Mariel-Rodriguez-Robin-PadillaSOBRANG EXCITED si Robin Padilla sa pagbubuntis ngayon ng asawa niyang si Mariel Padilla. Hindi nga nagpu-post si Mariel sa kanyang Instagram, pero si Robin ang nag-a-update.

Siya ‘yung nag-post sa Instagram account niyang magiging kambal daw ang ipinagbubuntis ni Mariel. Kaya humihingi sila ng dasal na sana mabuo na ito at maging safe lang si Mariel.

Pero nu’ng kamakalawa lang ay nag-post uli si Robin na posibleng triplets daw ang ipinagbubuntis ni Mariel.

Ipinost niya ang mensahe sa kanya ni Mariel na ang latest daw na check-up ng asawa niya sa Asian Hospital ay baka triplets daw ito. Pero hindi pa naman sure, dahil baka naka-fold lang daw ang isa kaya nagmukhang tatlo sila.

ADVERTISING

Pero ang masayang balitang ipinadala raw sa kanya ni Mariel ay may heartbeat na raw ang isa. Kaya patuloy lang sila sa pag-monitor sa kalagayan ni Mariel.

Sabi ni Robin, kung papalarin, magiging sina Maria, Juan at Gabriela raw ang kanilang magiging baby. Bongga, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING