Robin Padilla, pinataas pang lalo ang ratings ng Wowowee!

OLA CHIKKA! MARAMI na ngang mga komento ang naglabasan sa pagiging host ng ating lover boy na si Robin Padilla rito nga sa napaka-kontrobersiyal na noontime show ngayon, ang Wowowee. Karamihan ay natuwa, ngunit may mangilan-ngilan din na hindi.

Una sa lahat, hindi naman talaga host si Binoe kaya hindi na nakapagtataka kung ganu’n ang kanyang performance na medyo slow phase at hindi talaga angkop kaya kitang-kita ang pagkakaiba nila ni Willie dahil ilan taong host na ba ‘yun?

At least si Binoe, nadadala niya sa karisma kaya kahit medyo sablay ay nadadala pa rin niya. Nu’ng una ay nagduda na rin ako na siya ang pansamantalang ipalit. Ngunit sa loob ng ilang araw na pagho-host niya ay nakita ko naman na napapasaya niya ang mga manonood at maging ang kanyang co-host ay bumibigay sa hindi maipaliwanag na karisma ng ating lover boy.

‘Pag nagkataon, tuluyan na ngang wala nang babalikan itong si Willie sa Dos. Kalungkot-lungot din dahil may ilang buwan pa siyang nakatali sa ABS-CBN at hindi maaaring lumipat sa ibang istasyon dahil sa pinirmahan niyang kontrata na good until next year pa yata. Wala ring katotohanan na nag-meeting pa itong si Willie at may-ari ng TV5 na si Mr. Manny Pangilinan, ano ba naman ‘yun? Pagkatapos ng ginawa niya sa Dos, sa tingin n’yo ay may kukuha pa sa isang artistang tulad ni Willie na punung-puno ng kayabangan sa katawan?!

Marami ang nagtataka kung bakit si Binoe ang kinuha bilang pamalit na host sa Wowowee. Kaya tinanong ko ang aking Parazzi girl. At ayon sa kanya, alam ng lahat na hindi magaling si Binoe sa pagho-host kaya malamang ay agad siyang
mawawala sa Wowowee kasabay mismo ng pagkawala ng show. Tama!

Ayon pa sa aking Parazzi girl, may balak nang dispatsahin itong Wowowee ngunit mukhang nagkamali sila dahil imbes na bumagsak ang rating ay lalo pa itong umangat dahil kay Binoe. Naku, huh!

NAKAKAINIS NAMAN ITONG isyu sa pagitan ni Coco Martin at Katherine Luna tungkol sa kanilang anak. Tinatawagan ako ng Paparazzi ng TV5 para sa isyu na ito ngunit hindi ako pumayag dahil noon pa man ay natapos na ang intriga niyan. Ngunit dahil sa sumisikat itong si Coco ay malamang hindi siya tatantanan ni Katherine. Kung makapanira naman sila ay akala mo naman perpekto sila at napakabuti niyang ina. Hindi naman na niya kailangan gamitin ang kasikatan ni Coco dahil dito sa Mindanao Ave. cor. Quirino Highway ay sikat na sikat na siya sa isang makislap na lugar kung saan nakasabit ang napakalaki niyang tarpaulin.

Napakabait na tao nitong si Coco at kitang-kita ito sa pagmamahal niya sa kanyang lola. At ng makausap ko nga siya noong nag-shooting kami para sa isang indie film, ipinaliwanag niya ang isyu tungkol sa kanyang anak.

Nakakalungkot mang ibahagi ngunit wala daw kahit konting lukso ng dugo siyang nararamdaman sa bata. Ilang buwan pa lang ang nakalipas nang may mangyari sa kanila ni Katherine ay lumobo na agad ang tiyan nito kaya malabo raw talaga na maging anak niya ito.

Gayunpaman, pinanindigan pa rin niya ito at sinustentuhan, ngunit nang magsawa na si Coco ay itinigil na niya dahil sa dami ng lalaking nadidikit kay Katherine at sa bata. Kaya hindi ko rin masisi itong si Coco kung bakit ganu’n na lang ang pakikitungo niya sa kanyang anak daw umano.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong traditional politician na mahilig mag-party kasama ang maraming babae at ang pinaka-latest sa kanyang listahan ay itong twin sister ng asawa ng bagong elect na politician na twice nang tumakbo ngunit lost sa unang eleksyon na kilalang-kilala hindi lamang sa politics kundi maging sa kapalpakan sa showbiz, pero wagi pagdating sa bakbakan. Oh, alam n’yo na? Ha-ha! Ayoko nang magbigay ng clue dahil baka matigok pa ko. ‘Yun na!

NAIS KO PONG pagbigyan ang kahilingan ng aking anak at humingi ng boto sa inyo sa Clean & Clear Contest sa Facebook account. To vote for Kariz Espeña & Joni Sioson, just visit facebook account type [email protected] sa search engine and please click the Clean and Clear link sa wall ko. Thanks po!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa [email protected]. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleJudy Ann Santos, sa fishball naglilihi?!
Next articleJohn Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, totohanan na?

No posts to display