Robin Padilla, patuloy sa kanyang ancestral journey sa Spain

Robin Padilla, patuloy sa kanyang ancestral journey sa Spain

Robin-PadillaONE WEEK nang nasa Spain si Robin Padilla at sa huling post niya sa kanyang Instagram account nasa Madrid na ito at sinabi ni Robin na tatawagin niyang Ancestral Journey ang paglalakbay niya sa paghahanap ng roots ng mga Padilla sa Spain.

Hindi pa niya kasama si Mariel Rodriquez dahil tinatapos pa nito ang taping ng episodes ng Happy Wife, Happy Life at Happy Truck ng Bayan sa TV5. Pero kaagad itong susunod kay Robin kapag natapos na ang kanyang advance taping.

Sa mga unang araw ni Robin sa Spain, na-meet niya ang ang mga OFW na matagal nang naninirahan at kumakayod doon. Ipinalabas din doon ang Bonifacio, Ang Unang Pangulo sa Philippine Independence Day celebration doon sa pamamagitan ni Mark Malapitan.

Bago nga pala umalis ng bansa si Robin ay nagsimula na siyang mag-shooting ng action movie, kung saan makasasama niya ang anak na si Kylie Padilla. Take note, sa first shooting day ay dalawang sasakyan kaagad ang pinasabog, isang E150 at isang Nissan Safari at tinapos na rin muna ni Robin ang taping ng serye nilang magkakapatid sa TV5.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo