Robin Padilla, natakot sa sex video

ADVERTISING

Robin Padilla, natakot sa sex video

Robin-PadillaAYON KAY Robin Padilla na bagong host ng Talentadong Pinoy, masaya na ang buhay niya sa piling ni Mariel Rodriquez not like before na madikit lang ang isang babae sa kanya ay matsi-tsismis na kaagad na babae niya ito.

“Masaya ako kay Mariel. Wala na akong hahanapin pa. At saka parang corny na ‘yung kapag nambabae ka pa ngayon. At walang dahilan para mambabae ako.

“Alam ninyo (say ni Robin sa grupo ng press) nakatatakot din kasi ngayon. Hindi ka na makakatago ngayon. Sa social media pa lang, hindi ka na puwedeng mag-James Bond ngayon. Sasabit ka talaga ngayon. Isang post lang diyan, tapos ka na.”

Pero hindi naman ikinaila ni Robin na hanggang ngayon ay marami pa ring babae ang naghahangad na lumapit sa kanya na may inaalok.

ADVERTISING

“Marami talaga. Dinidiretsa ko naman sila. Sinasabi ko sa kanila na, I’m sorry, I’m married! Hahahaha! Talagang nakagugulat dahil diretso na ang mga babae ngayon. Sinasabi talaga nila na, “You can take me home.” Ibang klase na sila ngayon. Kung dati nanliligaw ako. Ngayon diretso na sila . Nagugulat talaga ako,” patuloy na tsika pa ni Robin.

May nagtanong na baka dahil isang Robin Padilla siya kaya maraming babae ang naghahangad na makasama siya?

“Bawal na ‘yon ngayon,” sagot kaagad ni Robin. “Nakatatakot na talaga, kahit na alam mong sikreto, isang post lang noon, magugulo na ang aking buhay. Saka malalaki na ang mga anak kong babae. Baka mawala ang respeto nila sa akin. Okey na ako na ganito.”

So, kaya na niyang kontrolin ang sarili? Naging totoo naman ang actor nang sabihin na technology raw ang nakapag-control ng lahat. Kung wala raw itong technology, baka nakasingit pa raw siya.

“Kung walang technology, baka makasingit ka pa. Eh, sa ngayon, ang mga motel o hotel ngayon may camera, may CCTV camera na. Saan ka magdadala ng babae? Mamaya lumabas ka, may video diyan. Sa totoo lang wala kang lusot, ‘di ba? Wala talaga! Mahirap na talaga sa panahon ngayon.”

Good boy na talaga ngayon si Robin at sa pagmamahal na natatanggap niya ngayon kay Mariel ay malabong mag-asawa pa raw siya uli. Kahit na sabihing puwede pa siyang mag-asawa pa dahil isa siyang Muslim ay malabo na raw mangyari.

Unless daw na may blessing ni Mariel na magkaroon siya uli ng babaeng pakakasalan.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING