Robin Padilla, nakahirit kay Daniel Padilla

ADVERTISING

Robin Padilla, nakahirit kay Daniel Padilla

Robin-Padilla-Daniel-PadillaSOBRANG HAPPY si Robin Padilla sa bago niyang pelikulang Andres Bonifacio dahil sa suportang ibinibigay ng mga kasamahan niyang artista gayundin sa mga producer na nag-invest para lalong mapaganda at maging karapat-dapat sa darating na Metro Manila Film Festival this December 2014.

Ayon kay Robin, masyadong binubusisi ng director ang bawat eksena. Kailangang maging makatotohanan ang pagganap ng mga artista. Dream come-true ito para sa actor dahil tatatak sa bawat Pilipino ang pagganap niya bilang si Andres Bonifacio. Gusto niyang may maiwan siyang legacy sa atin at para sa kanyang pamilya. “Kaya nga ako gumagawa ng makabuluhang pelikula nang sa ganu’n maaalala n’yo ako…” aniya.

Hindi gawang biro ang gumawa ng epic films. Bukod sa magastos ito, kailangang alam mo ang history ng bawat bayani ng bansa at kung ano ang nagawa nila sa ating bayan. Nag-research silang maigi para maging makatotohanan ang kuwento ni Andres Bonifacio.

Natutuwa si Robin sa pamangkin niya si Daniel Padilla, kahit gaano ka-hectic ang schedule nito, pinagbigyan siyang maging bahagi ng kanyang pelikula. “Napakabait na bata n’yang si Daniel, gumawa ng paraan para makapag-shooting sa amin. Kung kailangan pa siya sa set, magpasabi lang daw ako,” say ng action star.

ADVERTISING

Kung may Daniel, dapat kasama si Kathrlyn Bernardo sa pelikula para lalong kumita ang pelikula ni Robin. Hindi raw puwede dahil walang role na bagay para kay Kath. Alam daw ng action star patok sa mga fans ang tandem nilang dalawa.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING