Robin Padilla, nakahinga nang maluwag matapos magpa-check-up

ADVERTISING

Robin Padilla, nakahinga nang maluwag matapos magpa-check-up

Robin-PadillaSPEAKING OF Robin Padilla, happy ang idol ng masa dahil safe ang kalusugan niya nang magpa-check-up siya last Wednesday sa Cardinal Santos Hospital ng kanyang abdomen. Balita namin, may konting nararamdaman si Binoe sa parteng iyon ng katawan niya, pero after all the procedures and test, it came out na hindi siya dapat mag-alala.

That day para suportahan ang “kapatid” niyang si Jasmine Curtis-Smith sa management ng manager niyang si Betchay Vidanes na kasama sa pelikulang Dementia ni Nora Aunor, dumalo sa block screening ang aktor na inorganisa ng Nora Aunor Friends Forever sa pamumuno ni Nestor de Guzman na as always ay aligaga sa naturang special screening.

Pagbabalita ni Binoe sa amin nang dalawin namin siya last Monday sa taping nila ng misis niyang si Mariel Rodriquez ng Talentadong Pinoy 2014, almost 30 percent na lang ang natitira nilang isi-shoot para sa MMFF 2014 entry niya na Bonifacio: Ang Unang Pangulo, kung saan muli ay magbabalik-tambalan sila sa wide screen ng dating girlfriend na si Vina Morales.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING
ADVERTISING