Robin Padilla, nagpipigil pa rin kay Aljur Abrenica

ADVERTISING

Robin Padilla, nagpipigil pa rin kay Aljur Abrenica

Robin-PadillaMARAMI PA lang talaga ang hindi masyadong nakakikilala sa tunay na ugali ni Kylie Padilla, pero ang nakakaaliw sa kanya ay hindi pa talaga siya showbiz na showbiz ang ugali, kaya napakadiretso niyang magsalita tungkol sa kanyang nararamdaman. Katulad na lamang ng diretso niyang pag-iwas na makaharap ang ex-boyfriend niya si Aljur Abrenica.  Matapang din ang kanyang salita na hindi niya kayang makipag-usap kay Louise delos Reyes.

Hindi maligoy magsalita si Kylie kapag tungkol sa kanyang nararamdaman ang gusto niyang sabihin. Iyon ang isa sa ugaling kanyang nakuha sa kanyang daddy na si Robin Padilla. Si Binoe kasi, diretso lang lagi sa gusto niyang sabihin at pinaninindigan niya ang kanyang mga sinalita. ‘Tulad ng daddy niyang action superstar, minsan ay diretsong maiksi lang si Kylie magsalita, pero may laman ang kahit maiksi lang niyang salita.

Hindi kumportable si Kylie na pag-usapan ang posibilidad na magkabalikan pa sila ni Aljur. Parang sa kanyang mga salita ay napaso rin siya sa karanasang iyon ng pakikipagrelasyon niya sa hunk actor ng GMA-7. Very supportive si Robin ngayon sa pinagdaraanan ni Kylie, dahil lagi niyang inaalam kung okey lang ba ang kanyang daughter. Pero hinihintay pa rin ang buweltang salita ni Binoe tungkol sa kanyang masasabi sa naging ending ng relasyon nina Kylie at Aljur.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING