Robin Padilla, mapapanatag lang kapag nakapanganak na si Kylie Padilla

ADVERTISING

Robin Padilla, mapapanatag lang kapag nakapanganak na si Kylie Padilla

SA halip na tuwa, pag-aalala raw ang nadarama ni Robin Padilla sa napaagang pagdadalang-tao ng anak niyang si Kylie Padilla.

ADVERTISING
Robin Padilla, mapapanatag lang kapag nakapanganak na si Kylie Padilla
Robin Padilla

Kamakailan lang, nagbigay nang kauna-unahang pahayag si Robin, dalawang buwan matapos kumpirmahin ni Kylie na kanya ngang ipinagbubuntis ang magiging anak nila ni Aljur Abrenica.

Ayon kay Robin, unang lapit pa lamang sa kanya ng anak, alam na niya ang aaminin nito at hindi siya handa para rito.

Sa panayam kay Robin, sinabi niya na hindi siya ganoon ka-excited para kay Kylie.

ADVERTISING

Bungad ni Robin, “Hindi ako masyadong excited. Siyempre gusto kong makapanganak muna siya nang mahusay.”

Mapapanatag lamang daw siguro siya kapag nakapanganak na ito sa pamamagitan ng normal delivery at makapagpa-breastfeed.

“Kapag nando’n na, siguro ro’n na ako magiging excited. Bagama’t siya’y nasa edad na, malamang, siya handa pero ako, hindi ako handa,” sabi pa niya.

Ano naman ang reaksyon niya sa isyung kinahaharap ni Ajur tungkol sa pagkakautang sa isang negosyanteng si Cristina Gacer?

“No comment po tayo riyan. Basta po tayo, ang concern lang natin ‘yun kay Kylie. Basta ayusin lang niya nang tama ang responsibilidad niya para sa mag-ina, okay na po tayo ro’n,” pahayag ni Robin. 

ADVERTISING