Robin Padilla, kaliwa’t kanan ang alok na pelikula para sa MMFF 2015

Robin Padilla, kaliwa’t kanan ang alok na pelikula para sa MMFF 2015

Robin-PadillaKALIWA’T KANAN daw ang alok na pelikula ng TV5’s 2 ½ Daddies lead actor na si Robin Padilla para sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) at isa na rito ang alok ang pelikula ng kanyang direktor sa Bonifacio na si Direk Enzo Williams at pagsasamahan daw nila ni ER Ejercito, ang Lawin at Agila. At may isa pang pelikula na mula naman kay Direk Pedring Lopez.
Pero mas priority raw nito ang pelikulang ipinangako niya sa kanyang pamangkin na si Daniel Padilla, ang true to life story ng isa pang bayani na si Gregorio Del Pilar. Kapag si DJ na raw ang kumausap sa kanya at nag-pass sa nasabing pelikula dahil sa kanyang busy schedules, tsaka na raw ito pipili sa dalawang pelikulang inaalok sa kanya.
Bukod sa kanyang pelikulang gagawin para sa MMFF, happy raw si Robin dahil may season 2 ang show nilang magkakapatid sa TV5, kung saan kasama nito sina Rommel Padilla at BB Gandanghari na isa sa top-rater ng TV5 na mapapanood tuwing Sabado ng 8pm.

SM brings the Avengers Experience!

NAGING MALAKING tagumpay ang launching ng “Avengers Exhibit”, the only Avengers exhibit in the Philippines sa The Block Atrium ng SM City North Edsa na hatid ng SM Lifestyles Entertainment, Inc. last April 20, 2015  in line with the awaited movie of the year The Avengers: Age of Ultron na magsisimulang mapanood ngayong araw April 22, 2015.
Mula sa Imbitasyon ng host/actress at PR Officer ng SM Lifestyle Entertainment, Inc. na si Stephanie Henares, nasaksihan namin at ng mga taong naroroon at ng mga kabataang may cancer ng Child Haus ang mga life size character display of world’s favorite heroes katulad nina Iron Man, Captain America, Ultron, Hulk, and Hulk Buster. Dagdag pa rito ang maraming activities at palaro katulad ng Disney XD’s Family Inter Active Game, kung saan ang mga bata ay puwedeng maging Iron Man sa isang araw sa isang video game mission para sugpuin ang mga kalaban, may pagkakataon ding manalo ng God and Lift Thor’s Axe o kaya maging kasing lakas ni Hulk by winning over an arm wrestling challenge .
The Avengers Experience will also include exclusive movie-themed merchandise from Snack Time and the SM Store. Magkakaroroon din ng pagkakataong ma-meet in person ang inyong favorite superhero na international at authentic Disney characters like Captain America, Thor, and Black Widow sa kanilang Meet and Greet sa April 24-26, 2015 sa The Block Atrium, SM North Edsa. Just present your The Avengers: Age of Ultron movie ticket from any SM Cinema, Imax, and Director’s Club Cinema branch.
Ang nasabing exhibit ay libre sa lahat na nagsimula last April 20 hanggang May 16, 2015.

John’s Point
by John Fontanilla