Robin Padilla, itinangging boto siya kay Rayver para kay Kylie Padilla

ADVERTISING

Robin-PadillaSA LAST shooting day ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo ng Philippians Productions, Inc., pinabulaanan ni Robin Padilla sa harap ng movie press ang mga nasulat na boto siya kay Rayver Cruz para sa kanyang anak na si Kylie Padilla.

Ayon sa bida ng Bonifacio, hindi porke sanabi niyang mabait na bata si Rayver ay boto na siya rito. Ayon pa sa aktor, kilala ng mother ni Marielle ang lola ni Rayver at nasabi sa kanya na mapagmahal sa ina ang binata na siyang ikinahanga ni Robin. Ang gusto niya bilang pagsunod sa kanilang relihiyon (Islam), kung may gusto man sa kanyang anak ang sinumang lalaki, hindi lang si Rayver, pakasalan ito dahil bawal nga sa kanila ang pagbo-boyfriend at pakikipag-date ng isang babae.

Kung talagang malinis ang intensyon at talagang mahal ng isang lalaki ang isang babae, dapat niya itong pakasalan kung mahal rin ng babae ang lalaki. Malaya naman ang kanyang anak na pumili ng kanyang mamahalin, basta huwag lang itong lolokohin dahil ibang usapan na raw ito. Opinyon niya raw ito bilang isang ama.

Ni Raymund Vargas

ADVERTISING