Robin Padilla, ipinagtanggol si Daniel Padilla

ADVERTISING

Robin Padilla, ipinagtanggol si Daniel Padilla

Robin-PadillaHININGAN NG reaction ng press si Robin Padilla sa kinasangkutang isyu ng pamangkin na si Daniel Padilla na audio controversy, kung saan lumalabas na may gusto diumano ang kanyang pamangkin sa utol ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith.

Isinama kasi ni Robin sina Daniel at Jasmine sa pelikula niyang Bonifacio na entry sa darating na Metro Manila Film Festivla.

Ayon kay Robin, ang kawawa raw sa nangyari ay sina Daniel, Jasmine at maging si Kathryn Bernardo.

“Sa totoo lang, ang kawawa riyan ay si Daniel. Ang biktima kasi rito, para sa akin, ay ang pamangkin ko ng mga pekeng kaibigan. Biktima rin dito si Jasmine, biktima rin dito si Kathryn dahil sa isang kaibigang traydor. Sana kung mayroon tayong dapat sisihin sa pangyayari, ito ay ‘yung traydor na kaibigan. Hindi si Daniel, hindi si Jasmine, lalong-lalo na, hindi si Kathryn. Kasi may mga bagay na private, eh. May mga bagay na usapang lalaki. Hindi naman alam ni Daniel na may nahalong hindi lalaki.”

ADVERTISING

Dahil sa nangyari kay Daniel ay pinagsabihan ni Robin ang pamangkin na mag-ingat.

“Nasa mundo ka na hindi mo alam ang tunay mong kaibigan. ‘Yung mga usapang lalaki, kami na lang ang isama mo riyan, huwag na ang iba,” nakangiting pahayag ni Robin.

Pagtatanggol pa ni Robin sa pamangkin na normal lang sa isang lalaki na humanga sa ibang babae.

Paliwanag pa ni Robin, sa edad daw ngayon ni Daniel na kapag hindi humanga sa kababaihan ay may problema.

“Kapag hindi siya humanga sa kababaihan, hindi siya nagmana sa akin. Hahaha! Baka kay BB (Gandanghari) siya nagmana nu’n. Hahaha! Huwag nating husgahan kaagad si Daniel, bata pa ‘yan, eh. Hindi pa natin puwedeng sabihin na siya ay nasa hustong edad na. Mas lawakan naman natin ang pag-unawa sa ating idol.”

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING