Robin Padilla, inaabangan na ang pahayag sa pakikipagtambal kay Maria Ozawa

Robin Padilla, inaabangan na ang pahayag sa pakikipagtambal kay Maria Ozawa

Robin-PadillaPIPIRMA NA pala ng kontrata ang Japanese porno star na si Maria Ozawa sa isang film company rito sa Pilipinas para sa pelikulang gagawin niya with Robin Padilla na entry sa darating na Metro Manila Film Festival sa December. Anytime soon, bibisita ng bansa si Maria para sa contract signing at para na rin mag-autograph signing sa mga bumili ng FHM kung saan siya naging cover.

Wala pang reaksyong sinasabi si Robin tungkol sa kanilang pagtatambal sa pelikula na may working title na Ang Nilalang. Si Mariel pa lang ang ang nagpahayag ng kanyang gulat na reaksyon nang malaman na isang porno star pala ang makapapareha ng asawa. Pero ayon kay Mariel, wala naman siyang nakikitang masama rito.

Parehong nasa Spain sina Robin at Mariel at next month pa sila uuwi. Tiyak na pagdating ni Robin, aabangan kung ano ang kanyang magiging pahayag tungkol kay Maria Ozawa, huh! Gaano kaya siya ka-excited na makasama ito sa pelikula?

Anyway, nakakalokang malaman na sanay pala sa 48 sexual positions itong si Maria na kung tawagin din sa Japan ay AVS or Adult Video Star.

La Boka
by Leo Bukas