Robin Padilla, hyper na hyper sa pagho-host ng talent show

ADVERTISING

Robin Padilla, hyper na hyper sa pagho-host ng talent show

Robin-PadillaNAKARAOS SI Robin Padilla sa pilot episode ng kanilang Talentadong Pinoy 2014 ng misis na si Mariel Rodriguez. Napapanood ang talent show tuwing Sabado at 7:00pm.

Hyer na hyper si Binoe sa kanyang first hosting job na ini-enjoy niya. Last Saturday andu’n kami sa taping ng 2nd and 3rd episode ng show kung saan sa 3rd episode ay mga judges sina Miriam Quiambao, John “Sweet” Lapuz at Richard Gutierrez.

Sa pagiging energetic ni Binoe, sa ibaba ng mesa sa harap ng audience gallery, bigay-todo siya na sumasampa giving his best sa kanyang spiels. Sabi ko nga sa kanya, ingatan niya ang kanyang boses dahil sa sobrang excitement, parang namamaos na siya sa pagho-host gayong 2nd epsode pa lang ‘yong tini-tape nila last week.

Ang alam ko, kailangan nilang mag-pondo ni Mariel ng advance episodes dahil paalis si Mariel at si Binoe naman ay magsisimula na ring mag-shooting para sa kanyang MMFF 2014 entry na Bonifacio by September.

ADVERTISING

Sa taping, Robin na Robin ang nasaksihan namin. Kung gaano kalapit si Binoe sa mga tagahanga niya at supporters, wala pa rin itong ipinagbago. Walang kapaguran na magpa-picture sa mga fans sa bawat hiling nila. Sa katunayan, right after the taping, inaya niya ang mga ito sa dressing room niya para kumain.

Ang alam ko, ‘yong buffet dinner na ‘yun ay para sa kanya at kay Mariel at sa ilang staffs pero dahil Robin na Robin nga ang pakikisama, pinapasok niya ang fans sa loob para saluhan siya.

Sa ganitong mga pagkakataon, dito naman kami bilib sa kaibigan naming hindi pa rin nagbabago mula pa man noon. Kung gaano siya kaasikaso noong baguhan pa lang siya, ganu’n pa rin siya at wala pa rin ipinagbago ang pakikisama.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING