Robin Padilla, hirap makasama si Mariel Rodriguez sa Dos?!

ADVERTISING

Robin Padilla, hirap makasama si Mariel Rodriguez sa Dos?!

Robin Padilla, hirap makasama si Mariel Rodriguez sa Dos?!INIINTRIGA NGAYON ang pagbabalik Kapamilya ni Alex Gonzaga pagkatapos hindi ni-renew ang kontrata niya sa Singko. Hindi maganda ang feedback na naririnig namin tungkol sa dalaga. Naging antipatika na raw ito sa paningin ng kapwa niya artista pati na rin sa mga nakatrabaho nito sa Kapatid network. Kung hindi raw sa power ni Toni Gonzaga, malabo na raw makabalik sa Dos ang utol nito. Naipasok nga niya agad- agad si Alex sa The Voice, kung saan emcee ang singer-actress.

Ang tsika, kung si Alex ay mabilis na tinanggap ng ABS-CBN sa tulong ni Toni, bakit si Mariel Rodriguez na hanggang ngayon ay wala pang linaw kung makababalik pa ito sa dati niyang home studio. Matagal rin namang naging Kapamilya ang magaling na TV host. Pero ang balita, may tampo raw ang mga big boss ng Dos kay Mariel dahil sa ginawa nitong eksena nu’ng may teleserye sina Robin at Kris Aquino.

Naging malaking issue nang magselos si Mariel sa kissing scene nina Robin at Kris na gumawa ng ingay sa movie industry. Naging sentro pa nang intriga ang tampuhan ng mag-asawa dahil kay Kristeta. Nang mabalitaan ito ng Queen of All Media na may selos factor si Mariel, agad nitong tinawagan ang TV host, nag-heart to heart talk ang dalawa. Naging maayos naman ang kanilang pag-uusap.

Si Robin naman, personal na pinuntahan si Mariel sa show ni Willie Revillame para suyuin ito. Kaya lang, bawal palang umapir si Binoe sa ibang istasyon kaya’t naging issue rin ‘yun.

ADVERTISING

Mainit ding pinag-usapan ang pag-alis ni Robin sa show na Todo Max. Hindi maipaliwanag ng istasyon kung ano ang naging dahilan. Maging ang action star ay nanahimik tungkol sa issue. Pero inamin ni Angel Locsin na hindi na babalik si Robin sa kanilang sitcom.

Ang latest tsika, kung sakaling may bagong TV show na i-offer ang Kapamilya network kay Binoe, request daw nito kasama si Mariel sa bago niyang show. Nakakainsulto nga naman sa side ni Robin kung hindi pagbigyan ang kanyang kahilingan. Ibig sabihin, mas powerful si Toni sa Kapamilya Network kaysa kay Robin Padilla. Ganu’n ba ‘yun ?

 

ILANG BESES nang naisulat ang hiwalayan nina Paulo Avelino at LJ Reyes. Pero ang totoo, patuloy pa rin ang kanilang relasyon. Imbes na makatulong sa career ng actor ang paghihiwalay kuno nilang mag-asawa. Naging nega tuloy siya tuwing nababanggit ng media si LJ sa kanyang mga interview. Naiirita si Paulo kapag sentro na ng usapan ang kanyang live-in partner.

Akala kasi ni Paulo, magtutuluy-tuloy ang kanyang kasikatan after ng teleserye nila nina Coco Martin at Julia Montes, nagkamali siya. Nang gawin niya ang TV series with Angeline Quinto, hindi ito kinagiliwan ng publiko. Luma na kasi ang concept ng show kaya’t sandali lang ito sa ere, natsugi agad. May balitang may bagong teleseryeng gagawin si Paolo na tiyak daw na kagigiliwan ng manonood. Abangan…

 AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING