Robin Padilla, hindi kayang tanggapin na magka-boyfriend agad si BB Gandanghari

ADVERTISING

Robin Padilla, hindi kayang tanggapin na magka-boyfriend agad si BB Gandanghari

Robin Padilla, hindi kayang tanggapin na magka-boyfriend agad si BB Gandanghari
Robin Padilla

HINDI okey kay Robin Padilla na ipakilala sa kanya ni Rustom, now BB Gandanghari, ang magiging future boyfriend o fiancé nito.

“Bata pa siya sa bago niyang kasarian as BB.  Hindi ko pa kaya yon (ipakilala ang BF). Parang teka muna ‘tol.

“Hindi pa namin kaya yon. Wag niyang biglaan kasi… parang 12 years old na nagdala ng boyfriend, siyempre magugulat din kami, di ba? Bata pa siya sa amin masyado. Hindi pa kami handa don,” giit ni Robin.

Nakausap namin si Robin sa launch ng Brand Pilipinas kung saan isa siya sa co-founder.

ADVERTISING

      Patuloy pa ng aktor, “Gawin niya na lang don, hindi naman niya kailangang… kasi mahirap yon, baka hindi namin mapakiharapan nang tama (ang BF niya).”

      Nakatira ngayon si Bb sa Amerika dahil naniniwala ito na mas tanggap siya doon ng mga tao bilang isang transgender.

      “Transgender siya, so ang kanyag pakiramdam, dito hindi pa masyadong tanggap yon at do’n sa Amerika, nando’n ngayon yung rebolusyon.

      “Kasi sabi ko sa kanya, dito sa Pilpinas, baka 30 taon na siyang patay hindi pa yan tinatanggap sa atin kasi wala pa tayong ganung estado na tatanggapin ang transgender.

      “Yung gay nga hirap na, eh. Pumunta lang ako sa isang gay marriage (nina Francis Libiran and partner) pero halos patayin na ako sa pamba-bash mula ulo hanggang paa,” pahayag pa ni Robin.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING