Robin Padilla, hanga at saludo kay Coco Martin

ADVERTISING

Robin Padilla, hanga at saludo kay Coco Martin

Coco Martin & Robin Padilla
Coco Martin & Robin Padilla

Nakakatuwang isipin na ang isang tulad ni Robin Padilla ay hanga at sumasaludo sa isang Coco Martin.

Sa isang pag-uusap nina Binoe at Coco Martin, ipinarating ng action star na malaki ang paghanga niya sa aktor lalo pa’t ang kanyang nightly show na “FPJ’s Ang Probinsiyano” (napapanood pagkatapos ng TV Patrol) ay nakapagbibigay-trabaho sa ilang mga artista na hindi na aktibo sa showbiz, lalo pa’t ang mga pelikulang aksyon sa industriya ay hindi na masyadong kinakagat o tinatangkilik ng publiko, except itong aksyon-serye ni Coco na mula nang nag-umpisang umere ay consistent na top-rater.

Pero sa kaso ng aktor, ang aksyon-seryeng “Ang Proninsiyano” ang siyang numero uno ngayon na tinatangkilik ng publiko lalo pa’t napapanahon ito. Bukod kasi na maganda ang execution ng action scenes at ang sub-plots ng istorya, ang serye ay makatotohanan, makabuluhan, napapanahon, at nakapagtatawid ng positibong mensahe sa mga manonood, lalo na sa mga kabataan na umiidolo sa kanya.

Sa thanksgiving party ng aktor sa ilang mga kaibigang press sabi niya sa panayam: “Ang laki ng pasasalamat ko sa mga televiewers, lalo sa sa mga bata na tuwing nakikita nila ako, imbes na Coco ang tawag nila, tawag ng mga bata sa akin Kuya Cardo, nararamdaman mo ‘yong paghanga at respeso nila sa karakter ko,” kuwento ni Coco sa amin.

ADVERTISING

Personally, excited ako sa gabi-gabing panonood ko ng aksyon-serye lalo pa’t ang special guests ng palabas ay hindi basta-basta na lang isinasaksak sa istorya.

Sino’ng makapagsasabi na ang nagbabalik muli sa showbiz (na nag-lie low sandali at napunta siya sa isang istasyon na walang wawa naman ang programming nila na si Cesar Montano ay magiging panauhing karakter ng “Ang Probinsiyano”?

Sa pagbabalik-aktibo muli ni Buboy sa showbiz, sa aksyon-serye ni Coco lang siya pumayag na mag-guest at simula muli ang kanyang pagbabalik sa pag-arte.

Sa katunayan, ang daming mga parating na sorpresa sa “Ang Probinsiyano”.

Ang komedyanteng si Vice Ganda ay magge-guest soon.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING