Robin Padilla, ‘di tatantanan ang mga pasaway na pulitiko

Robin Padilla, ‘di tatantanan ang mga pasaway na pulitiko

Robin-PadillaHINDI RAW titigil ang orihinal na Bad Boy of the Philippines at lead actor ng top-rating show ng TV5 na nasa 2nd season na, ang 2 ½ Daddies na napanonood tuwing Sabado, 8pm, na si Robin Padilla sa pagpo-post ng nilalaman ng kanyang puso sa social media tungkol sa ‘di nito naiibigang gawi ng mga pulitiko.
Katulad na lang daw ngayon na pihadong mapagkikita na naman daw ang mga pulitiko sa nalalapit na laban ng Pambansang Kamao na si Cong. Manny Pacman Pacquiao sa Amerika.
Tsika nga ni Manny, sana lang daw ay sariling pera ng mga pulitiko ang gagamitin nila  at hindi galing sa kaban ng bayan.
Lalo raw ngayon na bayaran na naman ng taxes, at everytime nga raw na dumarating ang oras ng pagbabayad ng tax ay sumasakit ang puso ni Robin. Okey lang naman daw kasing magbayad na ng magbayad ng taxes kung ipinaaalam lang daw sa bayan kung saan napupunta ang binabayad ng bawat Pilipino. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla