Robin Padilla, ‘di p’wedeng pagbawalang makipaghalikan sa leading lady

ADVERTISING

Robin Padilla, ‘di p’wedeng pagbawalang makipaghalikan sa leading lady

Robin Padilla, ‘di p’wedeng pagbawalang makipaghalikan sa leading ladyNAGSALITA NA rin si Robin Padilla sa isyung muntik na siyang layasan ng misis na si Mariel Rodriquez dahil diumano sa pagseselos ng huli sa nag-aapoy na love scene nila ni Kris Aquino sa Kailangan Ko’y Ikaw.

Sa panayam kay Robin, tahasang inamin ng actor na masyado raw naapektuhan si Mariel sa mga huling kaganapan sa teleserye.

Pero nanindigan si Robin na walang dahilan para magselos ang asawa niya sa samahan nila ngayon ni Kris. “Alam naman ni Kris ang hangganan namin. Sa edad naming ito, hindi na namin siguro pa tatawirin ang ilog na mahirap languyin. Masaya kami bilang magkaibigan,” say ni Robin.

Kinumpirma rin ni Robin na isinauli ni Mariel ang wedding ring nila at nag-alsa balutan ito sa kanilang bahay.

ADVERTISING

Pero paglilinaw ng actor na hindi natapos ang araw ay nagkasundo rin sila ni Mariel dahil na rin sa tulong ni Kris, kung saan tinawagan at kinausap raw nito ang misis niya para iklaro ang lahat ng nangyari sa kanilang eksena ni Robin.

Ngunit sa kabila ng mga nangyari, itinanggi ni Robin na malilimitahan na ang paggawa niya ng mga love scenes sa TV at sa movie project.

“Bakit magiging bawal? Kasama talaga ‘yun. At kahit kailan ay hindi magiging balakid si Mariel sa anumang trabaho ko.

“Ang ginawa ko ay pagsuyo ng asawang lalaki sa kanyang asawang babae. Pero hindi ibig sabihin ay ibabahag ko ang buntot ko para sa asawa. Kailangan maintindihan ng asawa ko ang aking punto,” pahayag pa ni Robin.

So, in short. Hindi puwedeng under-in ang isang Robin Padilla.

Siguro kung nagmatigas pa si Mariel at hindi nito maintindihan na trabaho lang ang ginagawa ni Robin ay ‘di malayong maghiwalay ang dalawa.

 

TIKOM PA rin ang bibig ni Lovi Poe sa isyu sa kanila ni Roco Nacino sa diumano ay malaswang dance number nila sa Party Pilipinas two weeks ago. Matapos mag-isyu ng public apology ng GMA 7 at akuin ang kanilang kasalanan, tumanggi na ngang mag-comment pa si Lovi.

Mas ginusto pang mag-comment ni Lovi about sa pagtulong sa kapatid sa ama na si Grace Poe Llamanzares.

Kahit na raw hindi siya pakiusapan ng kapatid, handa siyang tumulong dito. Hindi lang niya masabi kung saan-saang lugar siya pupunta.

Samantala, isang simpleng birthday celebration lang ang idinaos ni Lovi para sa kanyang kaarawan (ano na ang ginagawa ng manager niya para bigyan siya ng bonggang birthday celebration).

Naka-concentrate siya ngayon sa kanyang showbiz career at loveless daw siya hanggang ngayon kaya malamig ang Valentine’s Day niya.

Isang sexy movie ang natapos niya under Regal Film with Paulo Avelino at Jennylyn Mercado. Sa tindi raw ng ginawa nilang love scene ni Paulo at sa klase ng role na ginampanan niya sa movie, ito na raw ang pinakadaring na pelikulang nagawa niya.

 

ANG SARAP palang maging staff ni Tim Yap. Sa mga hindi nakakaalam, isang successful businessman si Tim aside sa pag-aartista at pagho-host ay may iba’t ibang resto business siya na dinarayo ng mga tao.

Napaka-generous ni Tim sa mga empleyado niya. Imagine, dadalhin niya ang kanyang staff sa Miami, Florida para magpalipas ng Holy Week sa March. At say, aabot daw ng P1 M ang gagastusin niya para sa trip na ‘yun ng kanyang staff.

Maganda pa ay si Tim na rin ang nag-ayos ng US Visa nila. Sabi ni Tim, maganda raw ang naging outcome ng kanyang company kaya gusto niyang suklian ng maganda ang kanyang staff.

Kailan naman kaya niya iti-trip ang mga kaibigan niyang entertainment press?

 Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING