Robin Padilla, ‘di p’wedeng isama si BB Gandanghari sa MMFF entry

ADVERTISING

Robin Padilla, ‘di p’wedeng isama si BB Gandanghari sa MMFF entry

Robin-PadillaNOONG PANAHON ni Andres Bonifacio, hindi pa yata out ang mga beki. Lalo na ang mga transgender, say ni Robin Padilla na naging rason kung bakit ang kapatid na si BB Gandanghari ay hindi makasasama sa kanyang Metro Manila Film Festival entry na Bonifacio: Gusto Mo Siyang Makilala?

Sa titulo pa lang, very pop na ang dating sa amin. Very now at makabago na ewan ko kung papaano ang magiging treatment ni Binoe sa paglalahad sa kuwento ni Bonifacio, na kami personally ay hinahangaan namin ang kuwento ng buhay at pagiging rebulosyunaryo ng mga “lumpen”.

I am sure, mga kabataan ang target market ng pelikula ni Binoe lalo pa’t mas makabago ang magiging treatment ng paglalahad niya sa kadalasang “boring” na kuwento ng mga bayani natin.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING
ADVERTISING