Robin Padilla at Dennis Padiila, nagkabulgaran

ADVERTISING

Robin Padilla at Dennis Padiila, nagkabulgaran

Robin-Padilla-Dennis-PadillaSA PART 2 ng interview ni Arnold Clavio kay Robin Padilla sa show ng una na Tonight with Arnold sa GMA 7, buong ningning na inamin ni Robin na ‘di raw nawawala ang pagiging bad boy niya.

“Dalawa lang naman bagay ang dapat tandaan. Huwag kang mang-aapi at huwag magpapaapi,” katuwiran ni Robin sa tanong ni Arnold kung hanggang ngayon ay bad boy pa rin ang actor?

Kasama rin sa show ang bestfriend at sidekick ni Binoe sa bawat pelikulang ginagawa na si Dennis Padilla.

Tinanong ni Arnold ang dalawa kung napasubo na sila sa gulo?

ADVERTISING

“Yes,” ang naging tugon ni Dennis. Madalas daw kasing makursunadahan sila at may instance pa na nababastos ang nakakasama nilang actress.

Nabulgar din tuloy ni Dennis na dahil sa pagtatakip niya kay Robin ay napapaaway siya. May instance din na nagiging girlfriend niya ang naging leading lady ni Robin.

“May pagkakataon kasi na hanggang leading lady lang ang turing ni Robin sa nakaka-partner, ako ang pumoporma,” natatawang say pa ni Dennis.

Nahuli na rin daw si Dennis na may kasamang ibang babae na never namang nangyari kay Robin. Nangyari raw ito nang hindi isinama ni Robin si Dennis sa pelikulang ginawa nito. Twice daw siyang hindi nakasama sa pelikula ng sikat na action star.

Inamin din ng dalawa na nanligaw sila sa naging fans nila at umiyak na rin raw sila ng dahil sa pag-ibig. Hindi na lang sinabi ng dalawa kung sinu-sino itong mga actress na nagpaiyak sa kanila. Basta mayroon at inamin na sila ang may kasalanan.

When asked by Arnold si Robin kung paano sila mag-bonding ni BB Gandanghari, “Kami ni BB, nag-aasaran. Ganoon kami mag-bonding,” say ni Robin.

Bago magpaalam sa show, humingi ng awa si Robin sa mga televiewer na tangkilikin ang walong pelikulang official entry sa Metro Manila Film Festival, kasama na rito ang Bonifacio, entry niya sa taunang festival na magsisimula na sa December 23, imbes na Dec. 25 ng taon (kung hindi kami nagkakamali).

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING