Robin Padilla courted Bea Alonzo for 3 years!

ADVERTISING

Robin Padilla courted Bea Alonzo for 3 years!

 

ADVERTISING

Robin Padilla courted Bea Alonzo for 3 years!DIRETSONG IKINUWENTO NI Robin Padilla na tatlong taon na siyang kumakatok sa pintuan ng ABS-CBN na sana’y makabalik uli siya sa Kapamilya network. Mismong ang action superstar ang nag-request kay Malou Santos na makatambal si Ms. Bea Alonzo sa astig na teleseryeng Guns and Roses.

“Ang tagal na, si Bea kasi ang tagal bago ako inaprub. Sa pag-uusap namin ni Mam Malou Santos, hinihingi ko nga si Ms. Bea, ngayon natuloy na so, masaya ako. Kung may reyna, may hari, si Diether (Ocampo) at siyempre nandito si Direk Ms. Trina Dayrit, alam naman ng lahat na may pinagsamahan kami sa ‘Basta’t Kasama Kita’. Si Direk Rechie (del Carmen) sa pelikula ko pa nakasama ito, girlfriend ko dati ‘yan. Ha-ha-ha!” Nagbibirong sabi ni Binoe.

“Talagang masayang-masaya ako na nandito uli ako sa Kapamilya. Sana huwag magsawa ang Kapamilya na bigyan ako ng ganitong klaseng proyekto,” dugtong pa niya.

ADVERTISING

May chika na kapag taping nina Robin at Bea, palagi raw itong nakatabi at nakatingin sa kanyang leading lady? “Oo, medyo ano ‘yan… may katotohanan na palagi akong nakangiti at palagi akong nakatingin, dahil pagdating ko sa set ako si Abel (Marasigan) na ang kanyang pagmamahal kay Reign (Bea Alonzo) ay talagang abot langit. Ang katotohanan… baka matakot na sa akin si Bea. Totoo ang sinabi ninyo pero bilang si Abel, bilang artista na humahanga sa isang dalaga,” paliwanag ng action star.

Alam naman nating bawat leading lady ni Binoe ginagawa niyang reyna pagdating sa set. Ano ‘yung something kay Binoe na memorable para kay Bea? “Marami po, napaka-gentleman na hindi niya hahayaan ‘yung leading lady niya nakatayo lang. Most of our scenes ay sa kalye, talagang aalalayan ka niya everytime na dadaan kami sa maraming tao, mga bagay na ganoon po,” say ni Bea.

Overjoy at excitement ang naramdaman ni Diether Ocampo nang malaman niyang makakatrabaho niya ang original bad boy ng local cinema na si Robin. “Isang malaking karangalang mabigyan ng ganitong kalaking proyekto. First drama-action ko ito. Nang marinig kong Robin Padilla, tinanggap ko agad ito. Kumbaga, si Robin isa siyang haligi sa industriya pagdating sa action and I’m looking forward to work with him. Natutuwa ako, he’s such a generous guy, marami akong natutunan sa kanya. Patuloy akong natututo, maganda ring nabigyan ako… kami ng pagkakataon dahil siya ‘yung tinitingala namin, magandang opportunity ito so, let’s not waste it,” papuring wika ni Diet.

Ayon kina Direk Trina at Rechie, maraming anggulo ang passionate kissing scene nina Robin at Bea kaya hindi na nila mabilang kung ilang take na ‘yun. Feeling kasi ng dalawang director, pampelikula ang kanilang ginagawa. Puwera pa raw ‘yung request ni Binoe. “Minsan kasi parang kulang ‘yung emotion ni Bea. Hahaha!” Natatawang sabi ng aktor.

May ilangan ba kina Robin at Bea habang kinukunan ang eksenang ‘yun? “Yung tamang taste lang po. Hindi ko maalala, noong bina-basa ko ang script, kapag iniisip mo kung papano ninyo gagawin siyempre,  kinakabahan ka. Pero habang ginagawa namin ang eksena parang hindi naman. Hindi mo na maiisip kapag nasa loob ka na ng eksena parang madadala ka na lang kung ano ‘yung hinihingi ng eksena,” pahayag ni Bea.

Para kay Robin, isang malaking karangan na mahalikan niya si Bea at nagpapasalamat siya na hindi ito tumangging magkaroon sila ng kissing scene. Malaking pasasalamat ng action star na naibigay nila nang tama ang hinihingi sa eksena. Ganu’n?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING