Robin Padilla, bumata at mas gumuwapo sa ‘Sana Dalawa Ang Puso’

ADVERTISING

Robin Padilla, bumata at mas gumuwapo sa ‘Sana Dalawa Ang Puso’

Robin Padilla, bumata at mas gumuwapo sa ‘Sana Dalawa Ang Puso’
Robin Padilla

HINDI nagkaproblema ang production staff ng ABS-CBN show na Sana Dalawa Ang Puso na tabasan ang buhok ni Robin Padilla who is playing Leo Tabayuyong in the morning series.

Bumata at lalo tuloy lumabas ang kaguwapuhan ni Robin sa seryeng pinagbibidahan din nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap. Sabi nga ng netizens, kahit nasa 50s na si Robin, ang lakas pa rin daw ng sex appeal ng aktor.

Hindi rin siya nagmukhang tatay ni Jodi sa Sana Dalawa Ang Puso kahit pa ang layo ng agwat ng kanilang edad. Imporante talagang pinangangalagaan ang itsura para manatiling bata, huh!

Walang bisyo si Robin. Hindi siya umiinom at naninigarilyo. After tapings, umuuwi rin agad siya ng bahay para makasama ang anak at si Mariel Padilla. What an ideal husband.

ADVERTISING

Anyway, dapat abangan ng televiewers ng Sana Dalawa Ang Puso ang nalalapit na pagpapakasal ng karakters nina Jodi at Richard Yap at kung ano ang magiging twist na mangyayari dito.

Anyway, kasama rin sa morning series si Ryan Bang na kapansin-pansing binibigyan na rin ng magagandang eksena. Meron na rin siya love interest sa Sana Dalawa Ang Puso at ito ay ang komedyanteng si Kitkat.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING