Robin Padilla, binanatan ng kapwa maka-Duterte

ADVERTISING

Robin Padilla, binanatan ng kapwa maka-Duterte

Robin Padilla
Robin Padilla

Naimbiyerna si Robin Padilla sa ilang Duterte fanatic, kasi naman pati siya na maka-Duterte ay binash.

Lumabas sa blog ni Mocha Uson ang interview ni Robin about cyber bullying. He didn’t say anything na nakasama kay President Rodrigo Duterte, pero bash pa rin ang inabot niya.

“Ang dami sinasabi ng robin padilla na yan na kesyo mag kaisa o para sa pagbabago daw pero sa ugali nya pinapakita sa mga followers nya na bina banned o idelete ang comments dahil hindi makatanggap ng freedom of expression ng ordinaryong tao…imbes na tanggapin nya opinion ng tao…nakikita nya ito as cyberbullying agad. Wag ka na lang robin mag social media kung hindi ka open minded sa criticism. Yung iba hindi nakikipag talinuhan sayo, nag lalabas lang sila ng sarili nilang opinion o idea para i share in public kagaya mo rin!” say ng isang basher.

“Mr, Padilla, bkt nung tinawag ni Ms. Agot, si PD30 ng *PSYCOPATH* freedom of expression?. But pag Kami na… cyber bullying na??? Mga public figure kau you should be ready for the impact of your words. Anu un kayo Lang pwde mag Salita ng bastos??? call me what you want ??? but I stand for Ms. Mocha, as long she stand for my PD30,” dagdag naman ng isa pa.

ADVERTISING

Sa galit ni Robin ay nagsalita na siya.

“Yan ang hirap sa mga kasama sa Duterte Team, pati kasama ninyo binabanatan ninyo. Tsk, tsk.

“Pakibasa nga mabuti at panoorin niyo mabuti ang sinabi ko bago niyo ako banatan.”

He also challenged his bashers na  puntahan siya sa bahay niya at personal siyang i-bash.

“Kung talagang matapang kayo dito niyo ako sitahin at tawaging gago!!! Wala na kayo sa lugar!!! Mag aantay ako!!!”

Si Mocha naman ay nag-apologize kay Robin.

“Ako po ay humihingi ng tawad sa ating kapatid na si Robin Padilla sa last post ko kung ito man ay nagdulot ng maling impresyon. Ang nais ko lamang po ay ang ipakita ang mga mensahe ng mga artista upang matigil ang cyberbullying at kunin ang opinyon ng ating mga ka-DDS. Ang pagtatanong sa opinyon ng mga artista ukol sa cyberbullying ay ginawa ng ABS-CBN matapos ang pangbabash po umano kay Agot Isidro kung kaya’t ito ay nasabing pagsuporta sa kanya sa isyu ng cyberbullying. Gayunpaman, ikinalulungkot ko po kung nagkaroon man ng hindi pagkakaunawaan at paumanhin muli kay Robin Padilla.”

Nakakatawa ang ilang maka-Duterte. Pati ang kakampi nila ay kanilang nilalait. Wala na sila sa lugar. Feeling empowered ang mga idiot na ito.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING