Robin Padilla, ayaw nang bumalik sa kanyang sitcom?!

ADVERTISING

Robin Padilla, ayaw nang bumalik sa kanyang sitcom?!Robin Padilla, ayaw nang bumalik sa kanyang sitcom?!WALA PA ring kalinawan kung babalik pa ba itong si Robin Padilla sa sitcom na Toda Max ng ABS-CBN 2. Kung hindi kami nagkakamali ay almost 2 months na ngang hindi nagte-taping ang mister ni Mariel Rodriguez.

Ayon sa EP ng said sitcom, hindi pa raw nag-uusap ang productions tungkol dito. Babalik ba o hindi na?

Matatandaang nagpaalam si Binoe sa staff nang magkaroon siya ng teleserye with Kris Aquino and Anne Curtis.

Pero babalik din oras na matapos ito. Pero hindi na nga nangyari.

Ang tsika pang nalaman namin ay  gusto raw ni Robin na magkaroon ng sariling sitcom at si Mariel ang kanyang kasama.

ADVERTISING

Paano mangyayari ‘yun kung nasa TV5 pa si Mariel?

Ano ba talaga, Mama Bear?

 

NAGBABALIK-SHOWBIZ SI Kristel Romero na dating leading lady ng mga action stars mga early 90’s at late 80’s.

Almost  20 years din siyang nagbakasyon sa showbiz at ito na nga, balik na naman siya.

Ayon nga sa kanya ay mahirap bumalik pero sabi nga ‘pag may tiyaga, may nilaga. At wala naman siyang masamang naging record noong kanyang kasagsagan.

Sabi niya sa amin, kahit anong role ay tatanggapin niya, nanay, tita, kahit kasambahay na role ay okey lang. “Para sa pamilya ko, kaya ako bumabalik. Para sa anak ko. Para makatapos ng kanilang pag-aaral.”

Sa mga hindi nakakaalam, may tatlong anak na babae si Kristel.

Sa mga gustong kunin si Kristel, mangyaring tawagan lang po kami.

 

NAKASALAMUHA NG movie press itong re-electionist na si Koko Pimentel last Monday sa Penthouse ng Imperial Palace. Ibig sabihin ay kabilang na siya sa mga senatorial babies ni Mother Lily Monteverde.

Bulung-bulungan na 13 na raw ang babies ni Madera ngayon. Kaya paano na ngayon? Sino ang kanyang ilalaglag sa botohan sa May 13?

Siguro ito ngayon ang magbibigay-stress kay Mother kapag nagkataon. Hahahahahaha!

Siya na ang sumuporta, siya pa ang gumawa ng problema. Ganyan kabait si Mother sa mga taong gusto niyang tulungan.

Sa patawag na ‘yon ni Mother sa press ay naibulalas ni Koko na tapos na at wala na siyang galit sa kapwa tumatakbong senador na si Migz Zubiri.

Dumating din n’ung araw na ‘yon ang mother ni Koko na dati palang singer noong araw.

Ang malaking tanong? Sino ang malalaglag sa babies ni Mother?

Ang hula ko, babaeng senador ang kanyang ilalaglag. Hula lang po…

At sana hindi si Koko!

 

BLIND ITEM: Sino itong sikat na young actor na noong bata siya ay madalas pagbuhatan ng kamay ng kanyang ina dahil nga hindi siya favorite ni Mader. At diumano’y hindi mahal ng kanyang mader. Pero ngayon sumikat na ay nagbago ng pagtingin si mader. Si young actor na ang paborito.

Sino siya? Well, well, well… hay, ang pera nga naman…

 by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING