Robin Padilla at Zanjoe Marudo, nagkasabay ng pagdalaw kay Vhong Navarro

Robin-Padilla-Zanjoe-MarudoRobin-Padilla-Zanjoe-MarudoMEANWHILE, ALAM n’yo bang nagkasabay ng pagdalaw sina Robin Padilla at Zanjoe Marudo kay Vhong Navarro nu’ng Friday sa ospital? Paglabas ng CR ni Robin ay nakita agad nito ang kararating lang na si Zanjoe at sabay silang nag-abot ng kamay at nagkatsikahan na.

Matatandaang nagkaroon ng misunderstanding sina Binoe at Zanjoe dahil sa paggamit ng pangalan ni Mariel Rodriguez, ang ex-gf ni Zanjoe at misis na ngayon ni Robin.

Kilala rin naman namin si Robin. Walang masamang tinapay sa taong ‘yan basta alam mo lang ang limitasyon mo at hindi mo sasagasaan ang mga taong mahal niya. At in fairness kay Zanjoe, nag-sorry naman siya noon, kaya hindi na lumaki pa ang isyu.

Kung hindi n’yo pa alam ang isyu noon, paki-google na lang. Hehehe.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleAngel Locsin at Luis Manzano, nagkabalikan na?
Next articleAnne Curtis, hindi Dyesebel ang dapat na gagawing teleserye

No posts to display