Robin Padilla at Rommel Padilla, kailangan na raw uminom ng pampagana

ADVERTISING

Robin Padilla at Rommel Padilla, kailangan na raw uminom ng pampagana

Robin Padilla & Rommel Padilla
Robin Padilla & Rommel Padilla

Natawa kami kay Robin sa tsika niyang malapit na raw niyang gamitin ang iniendorsong Bravo Food Supplement for Men.

“Pero hindi pa ngayon, bawal sa sitwasyon ngayon ni Mariel. On the diet ako ngayon,”sabi niya sa amin.

Sa hayagang salita, ang Bravo, pandagdag sa ka-machohan at abilidad ng lalaki na umiinom nito para mas lalong ganado sa sex at tumaas ang libido.

Knowing ang mga Padilla na marami anak, mula kay Rommel (ama ni Daniel Padilla), “Noon hindi pa naman uso ang ganyan, kaya talagang ganado ako.”

ADVERTISING

“Mahirap pigilan,” pabirong sabi ni Omeng sa aming na ngayon ay Provincial Board Member sa Lalawagin ng Nueva Ecija.

“Sa distrito ko sa Cuyapo, Nueva Ecija ako ngayon nakatira,” pagbabalita ni Kuya Omeng sa amin.

Sa kaso ni Robin, ingat siya sa sitwasyon ni Mariel na kahit six months nang buntis, para paniguro ay off limits muna siya sa misis.

“Pagkapanganak, sigurado ako sisimulan ko nang uminom nito. Hindi na rin naman tayo bata. Kailangan na rin natin ng booster,” sabi niya sa amin.

Sa ngayon, abala si Binoe sa pakikipagtulungan kay Presidente Digong Duterte lalo pa’t may kampanya ang bagong pamahalaan para sa mga user at drug pusher na mga taga-showbiz.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING