Robin Padilla at Mariel Rodriguez: “It’s a girl!”

ADVERTISING

Robin Padilla at Mariel Rodriguez: “It’s a girl!”

Mariel Rodriguez & Robin Padilla
Mariel Rodriguez & Robin Padilla

Naganap ang announcement kung ano ang magiging kasarian ng baby nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez last Saturday evening sa kabila ng walang tigil na pag-ulan.

ADVERTISING

Ang ulan ay blessings kaya oks lang, pero ang mga friends nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez ay sumugod pa rin sa pagtitipon.

Actually, it was a triple celebration sa mag-asawang Robin at Mariel that evening dahil bukod sa baby shower ay sine-celebrate din ng mag-asawa ang kanilang 6th anniversary as a couple and at the same time ay selebrasyon din para sa kaarawan ni Mariel (baby shower, birthday ni Mariel and 6th wedding anniversary nila) na dinaluhan ng close friends at pamilya ng mag-asawa.

Present sa triple celebration sina Mommy Eva, Kylie Padilla, Bella Padilla, Toni Gonzaga, Rufa Mae Quinto, Grace Lee, Camille Villar (na mga kaibigan ni Mariel); Rommel Padilla; ang mag-asawang Shalani Soledad-Romulo & former Pasig Rep. Roman Romulo, at marami pang iba.

ADVERTISING

Yes, sa wakas, isang baby girl ang aabangan ng dalawa sa pagluwal ng first baby nila, na kung maaalala pa ay makailang beses din si Mariel nakuhan dahil hindi mahigpit ang kapit ng bata.

Para sa mag-asawa, congratulations and more babies to come.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING