Robin Padilla at Daniel Padilla, mag-tiyo ngang talaga

ADVERTISING

Robin Padilla at Daniel Padilla, mag-tiyo ngang talaga

Daniel Padilla and Robin Padilla
Daniel Padilla and Robin Padilla

Kung ano ang pumasok sa kukote ni Robin Padilla kung bakit he took a photo through his gadget of his ballot bearing Rodrigo Duterte’s name as his presidential choice ay hindi namin alam.

Unang-una, alam naman ng tao who the action star was supporting among all five bets sa nasabing posisyon, so bakit kailangang piktyuran pa? Nagdududa ba sa kanya ang ilang Duterte supporters na baka sa salita lang ang kanyang suporta at hindi sa gawa?

At hindi ba aware si Robin Padilla sa mga itinakdang regulasyon ng Comelec banning the taking of pictures dahil may mga implikasyon ito?

Nakisabay pa itong si Daniel Padilla na buong ningning ding nagpakuha ng retrato habang hawak ang kanyang balota, so ano naman ang motibo ng batang ito? Sa sobra rin bang kabisihan niya ay nawalan ba ng time si Daniel Padilla na rebyuhin ang mga ipinagbabawal ng Comelec?

ADVERTISING

O, ipinakita lang niya kay Mar Roxas na “Solita Monsod” (read: sulit) ang milyong pisong ibinayad sa kanya para iendorso ito?

Hay, meron pa rin talagang misinformed public pagdating sa usapin tungkol sa eleksiyon!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING