Robin Padilla, aprub sa pagkatao ni Sen. Ping Lacson

Robin Padilla, aprub sa pagkatao ni Sen. Ping Lacson

Robin-Padilla-Ping-LacsonUMALIS LAST Sunday si Mariel Rodriguez patungong Spain para samahan ang mister na si Robin Padilla. Nagtungo roon ang “Idol ng Masa” last week sa dalawang kadahilanan: ang mag-research sa history ng Familia Padilla; at marahil dahil sa hindi siya kuntento sa nangyayari sa kanyang mahal na Inang Bayan na minamahal niya at inaaruga habang ang pagkasalukyang namamahalan ay walang ginagawa.

Sa short correspondence namin ni Binoe sa kayang IG account, sabi niya ay baka makabalik siya agad, pero walang pangako kung kailan. Pero nang uriratin namin kung nandirito na siya by October during the presidential campaign season (October kasi malalaman kung sino ang mga kakandidato) ay ‘di niya sigurado.

Pero maganda ang papuri na iniwan si Binoe kay Sen. Ping Lacson na iniidolo niya. Wala pa mang malinaw na plano ang magaling na senador kung anong posisyon ang gusto niya come May 2016 eleksyon, aprub kay Binoe ang pagkatao ni Sen. Ping na nakilala niya nang personal.

Sa Spain, kasama ni Binoe ang dalawang anak sa unang asawa na si Liezel na pawang mga dalaga na rin. Ngayon na nandu’n na si Mariel, I’m sure ay happy ang ka-batch namin dahil may mag-aalaga na sa kanya habang nandu’n sila.

Hopefully, sa pagbabalik ng dalawa may good news na dala-dala na ang magasawa na preggy na muli si Mariel na matagal na nilang hinihintay na ang noong una ay nagkaroon nga ng miscarriage si misis.

Mukhang honeymoon ang biyahe ng dalawa dahil pupunta din sila sa Portugal at Southern France.

Reyted K
By RK VillaCorta