Robin Padilla, aminadong taob kay Rommel Padilla sa paramihan ng anak

ADVERTISING

Robin Padilla, aminadong taob kay Rommel Padilla sa paramihan ng anak

Rommel Padilla & Robin Padilla
Rommel Padilla & Robin Padilla

Kung paramihan ng anak ang pag-uusapan ay kakabugin pala ni Rommel Padilla ang utol niyang si Robin. Forty five (45) ang gustong maging anak ni Rommel na ewan kung nagbibiro ba siya, samantalang si Robin ay kontento na raw sa 10 anak.

“Naku, eh hindi ako puwedeng manalo kay Rommel. Ang daming asawa nu’n,” pahayag ni Robin nang makausap namin siya sa Bravo food supplement for men presscon kung saan pareho silang endorser ni Rommel.

“Basta ako, kung ano ang bigay ng Diyos. Sa ngayon, ilan ba ang anak ko? Anim. P’wede na sa sampu,” patuloy pa niya.

Anim na buwang buntis ngayon ang asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez kaya bale pang-pitong anak na niya ito.

ADVERTISING

‘Yung tatlong anak na gusto pang magkaroon ni Robin, sigurado na ba siyang kay Mariel na lang manggagaling ‘yon o mag-aasawa pa siya ng iba at ipa-practice ang kultura ng mga Muslim na allowed ang pagkakaroon ng apat na asawa?

Sagot ni Robin, “Ang pag-aasawa naman, hindi pinaplano ‘yan, dumarating ‘yan. Parang nu’ng dumating sa aming dalawa (ni Mariel), walang nagplano, naging mag-asawa na kami.

“Kaya hindi siguro sinasabi ‘yun, kung mag-aasawa pa ako uli. Okay na ako kay Mariel,” diin pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING