Robi Domingo, walang sex hangga’t ‘di kasal

Robi Domingo, walang sex hangga’t ‘di kasal

Robi-DomingoSA BIRTHDAY party ng entertainment reporter at kaibigang Rommel Placente last Saturday, isa sa bisita niya ang guwapo at magaling na TV Host na si Robi Domingo.

Sa party, kuntodo deny ang binata tungkol sa tsismis na preggy ang girlfriend niya na si Gretchen Ho.

Say raw ng GF niyang si Gretchen, kung sakaling tutoo na buntis ito, “Maybe divine intervention kung mangyari ‘yon. Kasi talagang imposible. We respect the sanctity of marriage and ‘yung mga features ng marriage na kailangang nandu’n. Si Gretchen kasi… sobrang Catholic niyan. At saka Chinese.”

For almost two years ng relasyon nila, kung ganito ang paniwala nina Robi at Gretchen, then malamang na totoo ang usap-usapan na “no sex” din pala ang dalawa bago sila magpakasal (na wala pa rin silang plano as of this time).

In short, no pre-marital sex na namamagitan sa relasyon ng dalawa. Tuloy, nag-isip ang mga beki na kaharap ni Robi nu’ng sandaling ‘yun. Mas na-excite sa puntong “no sex” ang binata na ibig sabihin ay…. Bahala na nga kayong mag-isip. Malisyoso talaga kayo!

Reyted K
By RK VillaCorta