Robi Domingo, imposible raw na mabuntis niya ang kanyang girlfriend

Robi Domingo, imposible raw na mabuntis niya ang kanyang girlfriend

Robi-DomingoNATATAWA LANG si Robi Domingo sa kumalat na tsisimis na buntis daw ang girlfriend niyang si Gretchen Ho. Siya raw mismo ang makapagsasabi na imposibleng mangyari ito dahil nag-a-abstain sila sa sex.

“Pero more than that, we respect the sanctity of marriage and ‘yong mga features ng marriage na kailangang nando’n,” aniya nga. “Si Gretchen kasi… sobrang Catholic niyan. At saka Chinese.”

Naalarma ba ang parents o ang buong pamilya nila nang dahil sa tsismis na ito?

“Hindi. Wala talaga. ’Yong alam ko, ‘yong dad niya… iyon ang sobrang naalarma. To the point na kapag pumupunta ako sa bahay nila, nararamdaman ko, e. Kapag nagsi-shake hands kami, ang lakas ng clip, e. Parang may ipinaparamdam na… oy, ‘yong anak ko ha… tandaan mo na bawal pa ‘yan,” patungkol niya sa sex. “E… wala naman talaga, e.”

Two years na ang itinatagal ng kanilang relasyon. Hindi pa nila napag-uusapan ang kasal?

“Honestly, napag-usapan namin ‘yon dati. Kasi na-pressure siya… or na-pressure kaming dalawa. Kasi nando’n lahat ng mga kuya at ate namin. Na… uy, pakasal na kaya tayo! Tapos sabi ko sa kanya… will you marry me? Sabi naman niya… no, kasi hindi pa tayo handa!” sabay tawa ni Robi. “Tinanggihan ako! Basted ako kaagad.”

Mga ilang taon pa kaya bago nila maisipang mag-settle down.

“It’s up to her to decide. It’s for us to decide naman. Pero sa ngayon, okey naman kami.”

Kapansin-pansin ang malaking iginanda ng katawan ngayon ni Robi. Hunk na ang porma niya.

“Nagwu-work ou po ako talaga. Sobra. Pero hindi ko po intensiyon na magpaka-hunk. Hung-hunk po ako, e!” biro niya ulit. Wala akong pinaghahandaan. And… gusto ko naman po ang maging tawag sa akin… hunk-cute naman! Mas gusto kong mag-concentrate sa hosting, e. I’m thinking more of ano… if you’ll be strategic about it, longevity po, e. Kasi ang dami na talagang nag-a-acting.”

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan