Robi Domingo bumanat sa mga MayWard fans na bumabatikos sa kanya

HINDI NA pinalampas ni Robi Domingo ang mga pambabatikos na natatanggap niya mula sa mga die-hard fans ng tambalang MayMay Entrata at Edward Barber na mas kilala bilang MayWard. Ayon sa kanila, ginagamit diumano ng Kapamilya host ang kaibigang si MayMay.

Robi Domingo bumanat sa mga MayWard fans na bumabatikos sa kanya
MayMay Entrata and Robi Domingo

Sa pamamagitan ng Twitter ay inalmahan ng binata ang mga fans na bumabatikos sa kanya. Inakusahan din ng MayWard fans si Robi na mas boto raw ito kay Donny Pangilinan, na binansagan ding ‘MayDon’ ng mga fans. Ayon sa kanila, dapat daw na respetuhin ni Robi ang feelings ni Edward Barber, na unang naging ka-loveteam ni MayMay.

Sabi ng isang fan, “Naaasar na sa ‘yo sir iba[ng] Mayward kasi ginagamit mo lang daw si mm (Maymay) tapos boto ka kay Donny kaya [nagdedelusyon] mga iba fans ni mm at nagkaron ng maydon..dapat respect mo naman feeling ni Edward..Salamat,”

Sinagot ito ni Robi na may paglilinaw na magkaibigan lamang sina Maymay at Donny. Sinabi rin niya na maging si Edward Barber ay kaibigan niya kaya sana raw ay matigil na ang mga toxic people.

“Please respect that,” aniya.

“If you guys think that way, then we can always end it anytime. I don’t tolerate toxic people,” dagdag niya.

Magkatrabaho ngayon sina Robi at Maymay sa online radio show na ‘Call Me MayBi’, na mapapanood sa Kumu every Friday nights.

Si Robi rin mismo ang producer ng show. Kung magtutuloy-tuloy ang ganitong pambabatikos, hindi ito magdadalawang-isip na itigil ang programa.

“If you continue to act this way, I will stop producing the show. The very reason why I made this is I see potential in Maymay and I value inclusivity. If you don’t see these, then I am a failure and I shall stop.”

“I’ve had enough. This has to stop. I value my friends. “I care about my friends. I don’t tolerate toxic people,” mariin na sambit nito.

Sa mismong Twitter post ni Robi ay nagbigay din ng pahayag si Maymay.

Pasensya ka na kuya robs :( Gustuhin ko man na matigil ang ganitong eksena pero gusto kong malaman mo kahit anong masamang sabihin ng ibang tao tungkol sayo, mangingibabaw ang katotohanan na busilak ang puso mo kuya at lagi kang may good intention sa mga mahal mo sa buhay .Aja kuya!” sambit ni Maymay.

Naku, ha! Kamakailan lang ay nakiusap na si MayMay sa mga fans na huwag nang bigyan ng malisya ang pagkakaibigan nila ni Donny Pangilinan. Dapat nga ay maging thankful pa ang fans ni Maymay na may proyekto pa ang kanilang idol, huh! Baka maturn-off ang mga producers kung ganitong sakit ng ulo rin lang ang mararanasan nila kung hindi nakukuha ng mga ‘fans’ ang gusto nila!

 

 

 

Previous articleSB19 susubukan ang ibang genre ng music: ‘I think wala naman pong masama kung gagawa kami ng ibang genre’
Next articleAljur Abrenica hinamon si Kylie Padilla: ‘Tell them who cheated first’