Rob Gomez at Alexa Miro ng ‘A Girl and a Guy’ balik-tambalan sa ‘Regal Studio Presents: Messy Thing Called Love’

BALIK-TAMBALAN ang hot pair ng 2021 sexy drama film ‘A Girl and a Guy‘ na sina Rob Gomez at Alexa Miro. This time ay isang nakakakilig na romance-comedy episode ang kanilang lalabasan sa Regal Studio Presents ng GMA na pinamagatang ‘Messy Thing Called Love‘.

Rob Gomez at Alexa Miro ng 'A Girl and a Guy' balik-tambalan sa 'Regal Studio Presents: Messy Thing Called Love'
Alexa Miro and Rob Gomez

Bago pa man napansin ng masa si Rob Gomez dahil sa kanyang effective portrayal bilang Joseph Chan sa katatapos lang na Mano Po Legacy: The Family Fortune kung saan kinakiligan ang tambalan nila ni Barbie Forteza, at bago naging hot dance princess ng Lunch Out Loud ng TV5 si Alexa Miro ay ang kanilang tambalan ang isa sa inabangan sa streaming last year. Maganda na this time ay isang romcom na mapapanood ng general public ang kanilang pagbibidahan.

Kuwento ito ni Lorraine (Alexa Miro), ang desirable girl na brokenhearted na lumuwas ng Maynila para maka-move on sa kanyang failed relationship, habang si Jadson (Rob Gomez) naman ay isang irresistible balikbayan na mag pagka-‘messy’ o burara. Kinakailangan nilang magkasundo dahil titira sila sa iisang condominium unit. Ang kanilang away-bati pa ay madedebelop into a romantic relationship?

 

Trailer pa lang ay nakitaan na namin ng nag-uumapaw na chemistry ang dalawa. Sa kanilang livestream sa Regal Entertainment Inc. page ay halatang comfortable sila sa isa’t isa. Parehong smart, sexy, articulate, para sa amin ay sila ang isa sa very few surprising loveteams na nag-uumapaw ang chemistry. Ika nga, there’s something….

Suportahan natin sina Alexa at Rob sa Regal Studio Presents: Messy Thing Called Love ngayong Sunday, 4:35pm sa GMA.