RK Bagatsing, di kinailangang alalayan si Sue Ramirez sa mga delikadong eksena sa ‘Cuddle Weather’

ADVERTISING

RK Bagatsing, di kinailangang alalayan si Sue Ramirez sa mga delikadong eksena sa ‘Cuddle Weather’

RK Bagatsing, di kinailangang alalayan si Sue Ramirez sa mga delikadong eksena sa ‘Cuddle Weather’
RK Bagatsing and Sue Ramirez

BILIB ang aktor na si RK Bagatsing sa personality ng leading lady niyang si Sue Ramirez sa pelikulang Cuddle Weather na entry sa Pista Ng Pelikulang Pilipino na ipapalabas sa September 13.

Ayon sa aktor, hindi na niya kinailangan pang alalayan at alagaan si Sue sa kanilang maseselong eksena sa pelikulang idinirek ni Ron Marmol na prinodyus ng Regal Films.

“Sue is a very independent woman. She’s very strong character. She doesn’t need so much… alam mo ‘yon, yung sobrang alaga kasi baka mainsulto pa siya,” wika niya.

“Pero in a way, I meet her halfway na, ‘uy, eto ako, kung may gusto ka, kung naiilang ka sabihin mo lang sa akin.’ I tried my best to be on that level.

ADVERTISING

“Pero yon nga, sinasabi ko, bilib ako sa taong yan, napakatapang, napaka-open and sort of liberated me to forget about all my insecurities and all my fears kasi ganun siyang tao,” dagdag niyang pahayag.

Sa Cuddle Weather ay gumaganap na parehong sex workers sina Sue at RK. Mas bihasa si Sue bilang sex worker dahil mas nauna siyang pasukin ito kumpara kay RK.

“Yes, siya ang nagturo sa akin kung paano mag-handle ng customer, kung paano magpresyo,” natatawa niyang kuwento.

“Pero kahit may kanya-kanya kaming customer, mai-in love kami sa isa’t isa,” dagdag niya.

Inamin din ni RK na may love scene at kissing scene sina ni Sue sa pelikula na dapat daw abangan ng moviegoers kapag ipinalabas na ang pelikula sa mga sinehan.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING