Ritz Azul, type maging dyowa kahit sino kina Derek Ramsay at Daniel Matsunaga

ADVERTISING

Ritz Azul, type maging dyowa kahit sino kina Derek Ramsay at Daniel Matsunaga

Ritz Azul, type maging dyowa kahit sino kina Derek Ramsay at Daniel MatsunagaIF EVER daw na magkakaroon ng showbiz boyfriend ang star ng Misibis Bay na si Ritz Azul, dalawa lang daw ang pinagpipilian nito, at ito ay sina Daniel Matsunaga at Derek Ramsay dahil ang mga ito lang daw ang qualified na papasa sa kanyang panlasa.

Tsika nga nito, “Libre naman ang mangarap, ‘di ba? Hahahaha!” malakas na tawa ni Ritz.

“Sa totoo lang, I can’t choose between Daniel and Derek. Pareho silang qualified physically. Pareho rin silang mababait. At mga gentlemen sila. Kaya ang hirap para sa akin ang mamili. Siguro makapipili lang ako kung may isang manligaw sa akin, hahahaha! Doon ko lang masa¬sabi kung sino ang puwede kong maging first boyfriend ever!” patuloy na pagtawa niya.

Never pa palang nagka-boyfriend itong si Ritz. Merong mga nanligaw na, pero wala raw siyang sina¬got sa mga ito.

ADVERTISING

“I guess scared pa ako na sumubok na magkaroon ng boyfriend. Hindi ko alam ang gagawin ko or ano ang mararamdaman ko kung nand’yan na siya sa buhay ko. Kaya ayoko muna. I want to give myself time. Bata pa naman ako, ‘di ba? Kaya marami pa akong pagkakataon to choose kung sino ang puwedeng maging first boyfriend ko.”

Sa palagay ba ni Ritz na isang Pinoy or baka isang foreigner ang ma¬ging unang lalaki sa buhay niya?

“Ayokong pangunahan si Lord! Kung sino ang gusto Niya para sa akin, ‘yun ang tatanggapin ko. Kung Pinoy siya or foreigner man siya, kung siya ang nakatakda for me, sino ba naman ako para tanggihan iyon,” pagtatapos ng dalaga.

Ritz Azul, type maging dyowa kahit sino kina Derek Ramsay at Daniel Matsunaga

ANG KAPAMILYA prime artist na si John Lloyd Cruz ang showbiz crush ng Kapuso tweenstar na si Krystal Reyes. Bukod daw kasi sa guwapo, magaling umarte si John Lloyd, kaya naman daw tanging ang award-winning actor ang kanyang hinahangaan.

“Si John Lloyd Cruz, bukod kasi sa guwapo siya, magaling siyang umarte, ang galing galing niyang umiyak. Kung ilang beses ko ngang pinanood ‘yung movie nila ni Sarah Geronimo. ‘Yung pinanood ko, ‘yung last movie nila ni Sarah, kasi sila po talaga ang favorite ko, bumibili po ako ng CD nila na original.

“Nu’ng pinanood ko ‘yun, todo-iyak ako, magang-maga ang mata ko paglabas ko ng sinehan, sobrang ‘pag umiyak kasi siya (John Lloyd), ramdam mo. Big fan nila ako, bumibili nga ako ng original copies ng mga pelikula nila at lahat ng pelikula nila pinapanood ko.

So dream mo siyang makatrabaho?

“Opo! Pero parang mahirap po kasi nasa kabila siya (ABS-CBN), tapos ako nasa GMA-7.

May kontrata ka ba sa GMA Films?

“Ang alam ko kasi, exclusive ako sa GMA-7, kaya siguro kung gagawa ako ng pelikula, sa GMA Films lang. Pero malay natin baka mahiram siya ng GMA Films at isama ako, hahaha! Pagtatapos ng isa sa lead actress ng Anna Karenina na si Krystal.

 

BAGONG DAGDAG sa lumalaking pamilya ng Unisilver Timebassadors ang Internet Sensation na UPGRADE na kinabibilangan nina Kcee Martinez, Miggy San Pablo, Rhem Enjavi, Raymond Tay , Ron Galang, Mark Baracael at Armond Bernas.

Kaya naman very thankful ang UPGRADE kina Sir Albert Que (Chronotron Inc. President) at Sir William Ong Co (Chronotron Inc. Vice President ) Ms. Catherine Ty Ygona at Mr. Giancarlo Guevara (R&D and Marketing Manager UniSilver TIME) sa pagpili sa kanila para maging part ng kanilang UniSilver Time Family.

Makakasama ng UPGRADE bilang Timebassadors sina Sam Milby, Karylle , Barbie Forteza, Derrick Monasterio, Enzo Pineda, Joshua Dionisio, Bea Binene at Julie Anne San Jose.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING