Ritz Azul, nag-inarte sa daring outfit?

ADVERTISING

Ritz Azul, nag-inarte sa daring outfit?

Ritz-AzulMAGANDA AT lalong sumeksi si Ritz Azul nang makausap namin sa bagong endorsement niyang Shawill Comestic.

ADVERTISING

Ayon kay Ritz, happy lang daw siya at tapos na ang pagdadalamhati sa pagkawala ng TV show or teleserye sa TV5.

Yes, nalungkot daw siya magmula nang mawalan ng show sa TV5. Nandoong na-depress pa nga raw siya na naging sanhi kaya siya nagkaroon ng allergy at mataas na lagnat.

Pero hindi naman daw siya nagtatampo sa Kapatid Network kahit walang show dahil patuloy naman siyang inaalagaan ng network sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng product endorsements.

ADVERTISING

“Totoo po na-depress talaga ako noon wala akong ginagawang show. Pero naiintindihan ko naman ang TV 5, dahil hinahanapan talaga nila ng tamang project ang mga Kapuso talent. Ako kahit walang show, may endorsement naman na kung tutuusin ay mas bongga pa nga. Pangatlong endorsement ko na po itong Shawill Comestic. First choice daw po nila ako para maging image model ng mga Shawill cosmetic. Na-touch naman po ako dahil kahit baguhan pa lang, ako ang napili kaya paano ka tatanggi sa kanila nang alukin akong maging endorsement ng kanilang product,” pahayag ni Ritz.

Samantalang naungkat namin ang naglabasan na nag-inarte raw siya sa isang TV show ng TV 5 dahil ayaw raw niyang magsuot ng seksing outfit habang siya at iba pang talent ng Kapatid ay maglalaro sa contest.

“Ha! Ngayon ko lang po nalaman ‘yan. Baka baligtad po ang nakarating sa nagsulat. Actually nga ay naka-pekpek short ako at sobrang fit sa pang-itaas nang dumating ako. Hindi po totoong nag-inarte ako,” pagtutuwid ni Ritz.

Tungkol naman sa kanyang lovelife. Zero pa rin raw dahil mas binibigyan niya ng priority ang showbiz career kaysa tawag ng pag-ibig. Tumigil na raw sa pagpaparamdam sa kanya ng pagmamahal si Direk GB Sampedro magmula nang sabihin niya na hanggang friend lang ang puwede niyang maibigay sa guwapong director.

Wala raw problema kay Ritz kung ang lalaking manliligaw sa kanya ay may anak or nagkaasawa pero naghiwalay. As long na mahal niya ang guy ay handa raw niya itong mahalin at ipaglaban sa magulang. Ang problema nga lang daw sa ngayon, wala pa sa isip niya ang magka-boyfriend dahil priority ang career.

Ayaw raw niyang masira ang showbiz career nang dahil sa nagmahal siya. Kapag nagmahal daw kasi siya ay bigay todo at baka mapabayaan na raw niya ang career na siyang kinatatakutan niyang mangyari.

Right now, handa pa rin raw siyang magpaseksi at walang pagbabagong mangyayari. ‘Di lang daw niyang magagawang mag-topless or totally maghubad sa isang pelikula or telseserye.

 

MGA BAGONG tsikiting ang binigyan ng pagkakataon ng GMA 7 na makilala at maging sikat na artista. Apat na matatalino at bibong bata ang nakapasa sa audition ng network para gumanap sa remake ng Mga Batang Yagit na ididirek ni Gina Alajar sa panghapon dramaserye ng Kapuso Network na magsisimula nang umere sa October 13.

Sa launching, isa-isang ipinakilala ang mga gaganap na mga bagong batang yagit na sina Judie dela Cruz as Jocelyn; Zymic Jaranilla sa Ding; Jemwell Ventinilla as Tom Tom at Chlaui Malayao as Eliza.

Tinanong si Direk Gina kung hindi raw ba siya nahirapang idirek ang mga bagong child star dahil wala pa silang experience sa pag-arte, maliban kay Chlaui na nakagawa ng TV commercial?

Hindi naman itinanggi ni Direk Gina na mahirap daw talagang magdirek ng mga bata, pero nag-enjoy naman daw siyang idirek ang mga ito dahll sumusunod sa mga itinuturo sa kanilang mga gagawin sa bawat eksena.

Ayon pa kay Direk Gina, hindi raw siya mapapahiya at ang GMA 7 production team kapag napanood nang umarte ang mga tsikiting. Makikiiyak at makikitawa raw kayo sa mga bagong batang yagit.

Kasama rin sa cast sina Yasmien Kurdi, LJ Reyes, James Blanco, Wowie de Guzman, Kevin Santos, Rich Asuncion, Renz Fernandez, atbp.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING