Ritz Azul, nag-iba ang pananaw sa networking

ADVERTISING

Ritz Azul, nag-iba ang pananaw sa networking

Ritz-AzulNAG-IBA RAW ang pananaw ni Ritz Azul tungkol sa networking. Kung dati raw ay negative ang tingin niya, ngayon daw ay positibo na ang tingin niya rito simula nang makasama siya sa pelikulang Upline/Downline (A Story of a Networker) na pinagbibidahan niya kasama sina Matt Evans at Alex Castro.

ADVERTISING

Kasama din sa cast sina Juan Rodrigo, Xyrus Imperial, DJ Jaiho, Snooky Serna, Ynez Veneracion, Rez Cortez, at introducing ang networker na si Joseph Lim at featuring ang executive producer ng pelikula na si Sir Jay-Ar Rosales, at Ali Forbes, directed by PMPC member George Vhail Kabristante.
“Kasi dati ang feeling ko sa networking, negative talaga, eh. As in, nag no-no ako talaga sa networking. Pero nang ginawa ko ‘yung film na ito, hindi naman pala lahat ng networking, manloloko. Meron ding mga legit.”
Masaya nga raw si Ritz dahil fisrt time na nagkaroon ng premiere ang pelikula niya. “Actually first time kong um-attend ng premiere ng pelikula, at dito nga ‘yon sa Upline/Downline, kaya medyo excited at masaya ako.
“Nakakatuwa na ang Upline/Downline meron na siyang sure market, malaking exposure din ito at malaking oportunidad. Tsaka nakakatuwa, kasi maganda ‘yung story niya tungkol sa networking,” pagtatapos ni Ritz.
Teejay-MarquezTeejay Marquez, ang kauna-unahang image model ng People360 Consulting Corporation

AFTER PUMIRMA sa kanyang dalawang bagong endorsements, may bago na namang endorsement ang Asia’s Internet Sensation/ model/ actor na si Teejay Marquez sa kumpanyang People360 Consulting Corporation na pag-aari ng President & CEO Engr. Cesar Dumayag para maging image model nito .
Naganap ang contract signing last Sept. 19 sa mismong opisina ng People360 Consulting Corporation sa 1141 EDSA, Brgy. A. Samson, Quezon City.
Kuwento nga ni Teejay, “Napakagandang birthday gift sa akin nito. Kasi after kong pumirma ng kontrata sa dalawang bagong endorsements ko (Aficionado Germany Perfume and Pizza Pedricos), ‘eto kinuha naman ako at pinapirma ng People360 Consulting Corporation. Kaya nga thankful ako kay Sir Cesar Dumayag, Ma’am Thess Dumayag, at Sir Paul Arellano, dahil ako ang napili nila para maging image model ng kanilang kumpanya.”
Ang People360 Consulting Corporation ay ang number 1 safety integration in the Philippines, at kauna-unahang nagkaroon ng celebrity endorser sa kapareha nilang negosyo.

 

ADVERTISING

John Prats at Diego Loyzaga, tilian at pinagkaguluhan sa Bench Fix Styling Tools

VERY SUCCESSFUL na ginanap last Sunday, September 20 sa UG ng SM Mega Fashion Hall ang “Bench Fix Styling Tools” as fashioned by the leading stylists of Bench Fix Salon.
Featuring the fresh-faced Fix student ambassadors and with the special participation of dancefloor dynamite John Prats and rising teen star Diego Loyzaga na nagpakilig at nagpatili sa mga kababaihang dumalo at nakibahagi sa nasabing event.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING