Ritz Azul, mayabang ang tingin kay Direk GB Sampedro

ADVERTISING

Ritz Azul, mayabang ang tingin kay Direk GB Sampedro

Ritz-AzulMAYABANG AT masungit ang tingin ni Ritz Azul kay Direk GB Sampedro. Ikinagulat niya ang naglabasan na inili-link sila sa isa’t isa.

ADVERTISING

Sa mga hindi nakakikilala kay Direk GB, siya ang director na nagkaroon ng relasyon kina Candy Pangilinan at ang latest nga ay si Daiana Menezes na buong akala nga ng Brazilian model/former TV host ng Eat Bulaga ay future husband.

‘Di nga ba ipinagmalaki pa ni Daiana sa lahat na super happy sila ni Direk GB at sangkatutak naman ang inggit na inggit kay Direk dahil nakuha nito ang kagandahan at kaseksihan ng Brazilian model.

Ngayon naman, pilit na ini-link ang sexy at virgin actress na si Ritz Azul kay Direk GB, na kaagad namang itinanggi ni Ritz.

ADVERTISING

Hanggang friend lang daw ang tingin niya kay Direk GB at malabong humantong daw sa relasyon. At pinagdiinan na noong una nga raw niyang ma-meet si Direk ay nayabangan siya rito.

“First time po naming nagkakilala ni Direk GB sa show ni Gelli de Bellen na Gelliecious, three years ago na po yata ‘yun. Noong time na ‘yon, parang ayoko siyang kausap talaga, kasi pakiramdam ko ang yabang-yabang niya. Feeling ko, ang sungit niya, iba ‘yung tingin ko sa kanya noon,” say ni Ritz na lalong sumeksi.

Pero lately raw, napagtanto ng seksi at certified virgin actress na mabait naman daw at gentleman si Direk. Alam din ni Ritz na may mga anak na si Direk GB sa dating asawa nito at malabong mahulog daw ang loob niya rito. Hanggang friendship lang daw ang puwede niyang iukol kay Direk GB.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING