Ritz Azul, itinangging dyowa si Direk GB San Pedro

ADVERTISING

Ritz Azul, itinangging dyowa si Direk GB San Pedro

Ritz-AzulBAGAMA’T SEXY dramatic actress ang image ni Ritz Azul, sa personal ay napakahinhin nito sa kilos at pagsasalita. Maging sa pananamit ay medyo conservative din ito nu’ng humarap sa press sa grand launching niya bilang bagong endorser ng Skin Central na pag-aari nina Mr and Ms Kimm Ilarde.

ADVERTISING

Inamin ni Ritz na sobrang natuwa siya nang mapili siya ng Skin Central dahil kailangan daw iyon ng isang artista, ang maalagaan ang kutis niya lalo na at puyat at stress sa pagtatrabaho sa harap ng kamera.

Itinanggi naman niya na BF na niya si GB San Pedro. “Hindi ko priority ang BF dahil marami pa akong gustong mangyari sa career ko. Baka maging hindrance lang siya at makaabala sa pag-aartista ko. Gusto ko pang gumawa ng maraming pelikula at TV show and at this time, ‘dun lang ako naka-focus,” sey pa ni Ritz sa amin.

Nakikisimapatiya naman siya sa mga pinagdadaanan ng kanyang leading man sa Kidlat at For Love & Money na si Derek Ramsey. “Mabait, gentleman, at napaka-professional na katrabaho… iyan ang pagkakakilala ko kay Derek. Masayahin din siya at laging may kuwento ‘pag nasa set kami. He’s a very nice guy, kaya nakagugulat ‘yung mga isyu sa kanya ngayon.” sabi ni Ritz patungkol kay Derek.

ADVERTISING

“Sana malampasan niya ‘yung mga nangyayari sa kanya ngayon. Andito lang ako kung kailangan niya ng kaibigan,” hirit pa niya.

Kung mabibigyan ng chance , gustong makapareha ni Ritz sina Coco Martin and John Lloyd Cruz. “They are amazing actors. Mahuhusay sila. Kung makakatrabaho ko sila, I’m sure na marami akong matututunan sa kanila,” sey pa nito.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING