Ritz Azul, ‘di napigilang kiligin nang makaharap si Coco Martin

ADVERTISING

Ritz Azul, 'di napigilang kiligin nang makaharap si Coco Martin

Ritz Azul
Ritz Azul

Nawala man kay Ritz Azul ang role na isa mga Sangre ng Encantadia sa GMA 7, dahil ‘di natuloy ang pagpirma niya ng kontrata at sa halip ay sa ABS-CBN siya pumirma ng two years contract.

Bongga naman ang ipinangako sa kanya ng Kapamilya management at bilang patunay nga pagkatapos pumirma ng kontrata ay isinama kaagad siya sa “Ang Probinsiyano”.

Hindi makapaniwala ni Ritz Azul na makasasama siya sa nangunguna at inaabangang serye na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Nang sabihin nga raw na isasama siya sa serye ni Coco ay kaagad na kinilig si Ritz, dahil crush na crush niya ang actor.

ADVERTISING

Sa unang araw nga raw ng taping niya ay nagpakilala siya kina Coco at Miss Susan Roces. Ang guwapo raw ni Coco Martin at kilig daw ang unang nadama niya nang makaharap niya ang dalawa.

Para malinaw kung bakit hindi natuloy ang pagpirma niya ng kontrata sa GMA 7, may offer nga ba sa kanya ang Kapuso?

Totoo raw na may offer ang Kapuso, pero una raw nagbigay ng plano ang Kapamilya at nagustuhan naman daw nilang mag-ama.

Ang ABS CBN at Star Magic ang nagma-manage ng career ni Ritz at co-manager din ang kanyang tatay.

Sa tanong kung hindi na ba nag-offer ang TV5 kung saan siya nagsimula? Ayon kay Ritz, hinintay raw niya ang offer ng TV5, pero tila raw wala nang plano na i-renew ang contract niya kaya nagpaalam daw siya nang maayos at sinabi niya sa Kapatid Network na gusto niyang mag-grow as an actress.

Hindi naman pala nagkamali ng desisyon si Ritz. Nawala man sa kanya ang role na hinangad ng mga Kapuso talents ay bongga naman ang project na unang ibinigay sa kanya ng Kapamilya Network.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING