Ritz Azul, ‘di masabing binasted si Direk GB Sampedro

Ritz Azul, ‘di masabing binasted si Direk GB Sampedro

Ritz-Azul-GB-San-PedroRITZ AZUL was trying to be polite siguro kaya hindi niya masabi sa amin na binasted niya si Direk GB Sampedro.

Sa storycon ng 1 Day, Isang Araw, launching movie ng baguhang child actress na si Alaina Jezl Ocampo, sinabi nito kung paano sila nagsimulang matsismis ni Direk GB, “Nag-start ‘yun sa Cinemalaya kasi kinuha nila ako for Separados.

Niligawan ba siya ni Direk?

“Actually, matagal na kaming magkakilala ni Nirek GB. Naging mas close kami nu’ng Cinemalaya, lumabas-labas kami, naging friends kami, lumabas kami kasama ang parents ko so nababalita, kumakalat. I think panliligaw din siguro ‘yon.”

When we asked her kung ano ang nangyari sa panliligaw ni Direk, Ritz said, “Mas nag-focus ako sa career ko kasi gusto kong magkaroon ng water station business.

At 21, certified member ng NBSB (no boyfriend since birth).

“‘Yung iba nagtataka, iniisip nila kung tomboy ako. Hindi naman ako tomboy, nagkaka-crush naman ako sa mga lalaki. Crush ko si Chaning Tatum. Dati si Enchong Dee at si Derek Ramsay. Ngayon, maghahanap muna ako.”

“Nai-inspire naman ako sa boys pero pinipigilan ko ang sarili ko na pumasok sa isang responsibility. Sobrang open naman ang parents ko. Sila ang nagpu-push sa akin,” say niya.

Ano ba ang type niya sa boy?

“Siyempre gusto ko gentleman, may malinis na pangangatawan, ‘yung medyo toned. Unang-una, galangin niya ang parents ko.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas