Rita Daniela, tinarayan si Donita Rose?

Rita Daniela, tinarayan si Donita Rose?

Rita-DanielaHOW TRUE ang nakalap naming balita na diumano’y tinarayan ng teen star na si Rita Daniela, ang former MTV VJ at That’s Entertainment alumna na si Donita Rose.

Naganap daw ang pagtataray ni Rita nang sa isang eksena nila sa taping ng Let The Love Begin ay nakailang take daw si Donita, at bigla na lang daw nag-make face na animo’y ‘di natutuwa ang young actress at pabulung-bulong sa harap mismo ni Donita.

Kaya naman daw after ng take ay ikinuwento raw ni Donita ang nasabing insidente sa co-star at kaibigan nitong si Gladys Reyes na nagalit daw at sinabihan si Donita na hindi daw dapat ito pumayag na ganu’nin ni Rita.

Kaya naman daw sa galit ni Gladys ay nakapaglitanya ito na hintayin na lang daw ni Rita na sila naman ang magkaroon ng eksena. ‘Yun na!

 

Miko-MangubaPambato ng La Salle, malakas ang laban sa To The Top

 

PASOK SA Top 14 ng GMA News boyband search na To The Top ang 21 years old na si Miko Manguba, isa sa miyembro ng the DLSU Innersoul Band, Production Division Manager of DLSU Innersoul Band, vocalist of DLSU Innersoul, composer and arranger of DLSU Innersoul.

Naging champion din ito sa ilang music fests in grade school, high school, at college, former member and vocalist of Disciples Choir, Good Shepherd Cathedral Parish.
Third year college student taking up Corporate Management at DLSU Taft, Manila, Miko also plays the piano, the drum and guitar. He took formal lessons on those instruments.

Mula sa 100 applicants, trimmed down to 42, then 24, then Top 14, they are divided into 3 teams, kung saan si Miko ang leader ng Team C. At sa live performance sa GMA-7 ang group nila ang nanalo ng 10-Minute Challenge to compose a song in 10 minutes using key words drawn.

 

2 Bagong shows sa TV5, nagsimula noong Sabado

 

DALAWANG BAGONG show na hatid ng Ideal First Company at ng TV5 ang nagsimulang mapanood noong July 11, 2015 sa primetime ng Kapatid Network. Ang una ay ang LolaBasyang.com na mapanonood nang 7 p.m. sa pangunguna ni Ms. Boots Anson Roa bilang modern Lola Basyang na si Lola B, kung saan every Saturday, iba’t ibang kuwento ang ihahatid ni Lola B. At noong nakarang Sabado, napanood ang “Maryang Makiling” na pinagbidahan nina Jasmine Curtis Smith at Rodjun Cruz.

Sunod namang napanood nang 8 p.m. ang ParangNormal na pinagbibidahan ng mga bagets na sina Rye Paolo Santiago, Andrei Garcia, Shaun Salvador, at Ella Cruz. Kasama sina Jester Hernandez, Nico Nicolas, Rubi Rubi, Mystica, at Joshua Joffe, kung saan guests sa kanilang first episode na may pamagat na “Ghost In A Selfie” sina Kiray Celis at Eunice Lagusad. Directed by Jun Lana and Perci Intalan.

John’s Point
by John Fontanilla