Rita Daniela is pregnant!

MASAYANG humarap ang Kapuso actress/singer na si Rita Daniela sa Sunday noontime show na ‘All-Out Sundays‘ para kumpirmahin sa publiko na siya ay nagdadalang-tao. Yes, buntis si Aubrey.. este, Rita!

Sa kanyang personal Instagram page din ay nagpost ito ng kanyang simpleng love letter para sa kanyang little angel.

Rita Daniela is pregnant!
Rita Daniela

Narito ang post ni Rita Daniela sa kanyang Instagram page noong June 26, 2022:

“My child,

“You came just in time. You are God’s greatest gift to me. You give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always.

“Nanay will always make sure that you have a heart for people and joy in the Lord.

“I can’t wait to meet you, anak. Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita.”

Nag-umpisa si Rita Daniela (real name: Rita Iringan) bilang Grand Winner ng Popstar Kids ng QTV (now GMA News TV). Kasabay niya sa nasabing palabas si Julie Ann San Jose. Maliban sa pagkanta ay nahasa rin ang talento ni Rita sa pag-arte nang siya ay maging teenstar sa GMA-7.

For the longest time ay supporting roles na madalas ay kontrabida ang papel na ginagampanan ni Rita sa mga teleserye niya sa GMA. Breakthrough role niya ang papel bilang Aubrey sa ‘My Special Tatay’ noong 2018 kung saan nakatambal niya si Ken Chan. Originally ay guest role lamang si Rita doon, pero hindi maikakaila na malakas ang chemistry nila ni Ken at kinapitan ang kakaibang love story nina Aubrey at Boyet.

Nasundan din ito ng mga teleseryeng ‘One of the Baes’ at ‘Ang Dalawang Ikaw’. Sila rin ang nagbida sa 2021 Metro Manila Film Festival Entry na ‘Huling Ulan sa Tag-Araw’.

Nalink din noon si Rita sa kanyang onscreen partner na si Ken Chan. Sa telebisyon ay huli silang napanood sa Christmas episode ng Regal Studio Presents noong December.

Blooming at mukhang happy sa kanyang pagbubuntis si Rita at marami ang masaya para sa actress/singer. Congratulations, Rita! Boyfriend reveal naman next?

Previous article5 Things to Do in Bangkok, Thailand
Next articleKen Chan may sweet message para kay Rita Daniela